^

PSN Showbiz

Eksena nina Alfie at Mother Lily nakakawindang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ipinalabas sa mga TV news program ang footage ng bangayan nina Mother Lily Monteverde at Alfie Lorenzo sa presscon ng Somebody to Love, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na mapapanood sa mga sinehan sa August 20.

Shocked ang mga tao sa away nina Mother at Alfie dahil hindi sila sanay na nakikita na nag-aaway ang dalawa.

May mga nagtatanong sa akin tungkol sa reaksyon ko sa shouting match nina Mother at Alfie na matagal ko nang mga kaibigan.

Siyempre, nalungkot ako sa nangyari dahil ang buong akala ko, matatapos lang sa halakhakan ang kanilang talakan kaya naloka ako nang umabot sa mahigit sa twenty minutes ang Clash of the Titans.

Nalungkot ako pero alam ko na magkakasundo rin sina Mother at Alfie dahil malalim ang kanilang pinagsamahan. Mas marami ang good memories kesa bad memories. Huwag tayong magulat kung isang araw eh makita natin sila na nagkukuwentuhan at nag­tatawanan na parang walang nangyari.

Dahil sa stem cell treatment, behaved ako!

Literal na nasa pagitan ako ng dalawang nag-uumpugang bato habang nagpapalitan sina Mother at Alfie ng mga maaanghang na salita.

Marami ang nakapansin sa mala-Nora Aunor na acting ko dahil tahimik lamang ako habang nagbabangayan sila.

‘Yun na yata ang epekto ng second stem cell therapy sa akin at ng cells ng black mountain sheep na itinurok sa katawan ko.

Behaved na behaved ako, nakikinig at nagmamasid lamang sa mga nangyayari sa paligid ko.

Pagkatapos ng moment nina Mother at Alfie, ako ang tinanghal na best supporting actress sa presscon ng Somebody to Love dahil sa under acting ko pero may nag-dialogue na pang-New Breed Category at hindi pang-Directors Showcase ang performance ko.

Cast ng Somebody... ‘di nakita ang pang-best actress na eksena ni Mother Lily

Clueless na clueless ang mga artista ng Somebody to Love sa nangyari dahil hindi nila nasaksihan ang eksena.

Napansin ko ang pagtataka sa mukha nina Matteo Guidicelli, Kiray Celis, Nathalie Hart, Albie Casiño, at Ella Cruz  nang marinig nila ang mga sinabi ni Mother nang interb­yuhin ito ng mga TV reporter.

I’m sure, naka-feel ng panghihinayang ang stars ng Somebody to Love dahil hindi nila na-witness ang eksena na tuhog dahil walang direktor na sumigaw ng cut. Tinalbugan ng eksena nina Mother at Alfie ang tuhog scene ni Batangas Governor Vilma Santos sa death scene ni Christopher de Leon sa Relasyon. Tuhog ang eksena dahil hindi sumigaw ng cut si Ishmael Bernal at bongga ang naging resulta dahil humakot ng best actress award si Mama Vi.

Dingdong nagpapagawa na ng bahay nila ni Marian

Kumpirmado na ikakasal sina Ma­rian Ri­vera at Dingdong Dantes sa De­cem­ber 30 sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezo City.
Rizal Day sa December 30 at holiday sa buong Pilipinas kaya expected na dadagsa ang fans sa araw ng kasal nina Marian at Dingdong.

Hindi pa kumpleto ang wedding details dahil ang date at venue pa lang ng kanilang kasal ang announcement kahapon ng mag-dyowa.

Narinig ko na magiging principal sponsors sina P-Noy at Papa Tony Tuviera pero hindi pa ito kinukumpirma nina Dingdong at Marian na nagpapatayo na ng bahay somewhere in Metro Manila.

Excited na excited na ang dalawa sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Gustong-gusto na rin ni Marian na mabuntis agad pagkatapos ng church wedding nila ni Dingdong.

AKO

ALBIE CASI

ALFIE

ALFIE LORENZO

DAHIL

MOTHER

NINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with