Transgender ako – Aiza
MANILA, Philippines – Inamin ni Aiza Seguerra na hindi siya lesbian bagkus ay isang transgender.
Ito ang sagot niya kagabi sa kanyang panayam kay Kris Aquino sa “Aquino & Abunda Tonight” at sinabing may puso siya ng lalaki.
“Lesbian kasi are women na ang preference nila ay women also. Ang transgender naman, kumbaga iba 'yong gender identity namin sa akin,” paliwanag niya.
“Kasi before as lesbian, ang dami ko pa rin questions na hindi matanong sa akin,” she said. “Finally I discovered sa sarili ko na I'm not a lesbian, I'm transgender. Kumbaga it answered a lot of questions.”
Samantala, ipinagtanggol niya ang kanyang fiance na si Liza Dizon na binabansagang “gold digger.”
“Well, number one I know it's not true because Liza and I, we go way back,” sabi ni Aiza. “Wala pa 'yong 'Pagdating ng Panahon', hindi pa ako singer, mayro'n ng something sa amin. Siguro madaling magsalita, e, na ganito siya or ganyan siya but they don't see us.”
Sinabi pa ni Aiza na kahit isa siyang transgender ay kaya niyang bumuhay ng pamilya, tulad ng ibang lalaki.
“Guys, they're expected to take care of their family– why can't I do that? I have my own family now, ako tumatayong padre de pamilya ng pamilya ko...bakit issue na alagaan ko sila? Dapat hindi.”
- Latest