^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad nilait ang gown at tinawag na cake ang government official na nakita lang sa isang okasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siguro nga ay tama ang komento ng isang kababayan natin na sakit na ang pagiging taklesa. Paulit-ulit na lang kasing ginagawa, pero wala pa ring kadala-dala, kahit pa meron na siyang nasasaktan.

Walang pinipiling lugar at sitwasyon ang pagiging madaldal ng isang sikat na female personality. Kahit sino pa ang kanyang kaharap, kahit gaano kaseryoso ang usapan, sisingit at sisingit pa rin ang kanyang kanaturalan.

Kuwento ng aming source, “Like nu’ng minsan, isang mataas na opisyal sa gobyerno natin ang kaharap niya. Malaking okasyon ang pareho nilang dinaluhan, kaya nagpagawa pa ng gown ang public official.

“Nu’ng magkaharap na sila, hindi talaga nakapagpigil ang daldakinang female personality, pinuna niya ang gown ng kaharap niya. Ang sabi niya, ‘I like the cut, but I don’t like the neckline. You’re so fat na, pero it’s round pa, you look like a cake.’

“Naloka siyempre ang government official, hindi naman sila close, nagkasabay lang sila, pero ganu’n na ang tabas ng dila niya? Mula nu’n, kahit silip lang, hindi na siya pinanonood ng government official dahil sa ginawang panghihiya sa kanya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Kahit pala ang mga pagkain sa eroplano ay pinipintas-pintasan din ng sikat na female personality. Itinuturo niya sa mga stewardess kung paano ang tamang pagluluto ng mga pagkaing isine-serve nila sa eroplano.

E nakakita siya ng katapat, sinagut-sagot siya, biglang natameme ang lokah dahil nalaman niya na anak pala ng kapitan ng eroplano ang nangatwiran sa kanya na stewardess sila, hindi chef.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Mo Twister numero unong sawsawero

Umariba na naman ang walang magawang deejay, palibhasa’y patagu-tago lang siya sa ibang bansa, kaya ang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ay ang mga Pinoy na gusto niyang i-bully.

Wala talagang kadala-dala si DJ Mo Twister, ilang beses na nga siyang sinopla ng mga kababayan nating naaangasan sa kanya, pero banat pa rin siya nang banat nang wala sa tiyempo.

Ang hamon sa kanya ng mga netizens, umuwi siya rito para malaman natin kung gaano katindi ang tapang niya, dito siya magpakitang-gilas at huwag sa bansang pinagtataguan niya.

Lahat na lang ng isyu ay pinakikisawsawan niya, sawsaw dito sawsaw du’n lang ang alam niya, pero wala naman siyang tamang impormasyong alam tungkol sa isyung pinag-aargumentuhan.

Kung laitin niya ang kasuotan ng mga kilalang personalidad ay parang may alam siya sa pagde-design, samantalang nu’ng makasama nga namin siya sa isang talk show ay may mga tagapamunong kumausap sa kanya para bumili naman ng damit, dahil paulit-ulit na lang ang mga isinusuot niya sa show.

Ang katwiran ng damuhong TV host, “I have five of that kind, magkakakulay lang, pero lima ang polo kong ganu’n!” Makalusot lang. Para lang makapangatwiran kahit hindi naman totoo.

Na-wow mali siya kay Julian Ejercito, lighter lang at hindi naman susi ng Ferrari ang ipinost ng bagets, pero nakisawsaw na naman siya. Pinagtawanan si DJ Mo Twister sa social media, napakasawsawero kasi niya, kaya ‘yun tuloy ang napala niya.

Naisahan siya ni Julian. Matalino man daw ang matsing, napaglalamangan din. Nakikisawsaw na nga lang kasi, nagmamarunong pa, ‘yun ang napala niya.

Ubos na ubos!

 

JULIAN EJERCITO

KAHIT

LANG

MO TWISTER

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with