^

PSN Showbiz

Julia excited nang mag-debut, hindi iniisip ang mga problema

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mga bulung-bulungan na mayroon daw tensyon sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Julia Barretto. Agad namang nilinaw ni Julia ang isyung ito. “Okay kami, sobrang okay kami. It’s just the people who are trying to make a big deal out of things pero okay na okay kami ni Kath. We made such a good friendship,” bungad ni Julia. “She’s such a sweet girl, sweetheart siya and I’d like to see her more often and makasama siya more often. Napakabait niyang bata,” dagdag ng aktres.

Samantala, excited na raw si Julia ngayong nalalapit na ang kanyang ika-18 na kaarawan. “Lahat kami excited na for it. Personally ako, gusto ko nang mag-18. Minsan feeling ko hindi na ako 17 eh pero I think I’m responsible enough and I’m ready to be 18,” nakangiting pahayag ni Julia.

Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng pamilya ng aktres ay nananatili raw na matatag si Julia. Mas iniisip na lamang daw ng dalaga ang mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya. “It’s every human being’s choice. It’s my choice to be positive and to look at the positive sides of everything. Nasa‘yo nagsisimula ang lahat, sa sarili mo,” paliwanag ng aktres.

Toni pangarap magka-pelikula kasama si Bossing Vic

Masayang-masaya si Toni Gonzaga dahil muli siyang pumirma ng kontrata sa Star Cinema. “I’m very happy na once again I am officially a Star Cinema talent. Maraming-maraming salamat sa Star Cinema for the trust at sa pagkakataon na ma-renew ako. I have grown with Star Cinema, not just an actress but as a person dahil sa mga beautiful films na nagagawa ko sa kanila. Ang dami kong natutunan. I am really excited and I am looking forward to another great year of partnership with them,” pahayag ni Toni.

Tumabo nang husto sa takilya ang huling pelikula ng aktres na Starting Over Again. Nakatambal ni Toni sa kauna-unahang pagkakataon sa isang malaking proyekto si Piolo Pascual. Bukod sa aktor ay mayroon pa raw ibang gustong makasama si Toni. “Dati bago pa si PJ (Piolo), isa sa mga pangarap kong makatrabaho si Bossing (Vic Sotto). ‘Yun naman ay pangarap lang, nando’n pa din. Katulad ng kay PJ, akala ko hindi mangyayari ‘yung day na ‘yun, ‘yung moment na ‘yun, na magkakatrabaho kami. ‘Yung mga nagkaroon ng significant na ano sa buhay ko. Siguro one day, hindi naman ako nagmamadali,” pagbabahagi ng dalaga.

Tanggap din ni Toni na hindi lahat ng pelikula na kanyang ginanawa ay nagiging blockbuster hit sa takilya. “I think one thing I have learned for ten years with Star Cinema, hindi araw-araw Pasko. May mga moment talaga na nabibigyan tayo ng blessing na kumita ng ganito kalaki or minsan tama lang. Minsan break-even, so minsan hindi mo lang siya ma-absorb lahat nang nangyayari. You are just really thankful and grateful kahit paano, nabibigyan tayo ng mga proyekto na tinatangkilik pa rin,” pagtatapos ni Toni.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

BOSSING VIC

JULIA

JULIA BARRETTO

KATHRYN BERNARDO

MINSAN

PIOLO PASCUAL

STAR CINEMA

STARTING OVER AGAIN

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with