Celine Dion mas piniling mag-alaga ng asawang may sakit
MANILA, Philippines - Cancelled ang Asian tour ng Canadian pop superstar na si Celine Dion. Hagip ang naka-schedule niyang concert sa bansa sa November 29.
Nasa asawa raw niyang may cancer ang concentration ni Celine.
“I want to devote every ounce of my strength and energy to my husband’s healing, and to do so, it’s important for me to dedicate this time to him and to our children. I also want to apologize to all my fans everywhere, for inconveniencing them, and I thank them so much for their love and support,” sabi ng singer sa kanyang website.
Matteo aminadong hindi pa masyadong stable ang Relasyon nila ni Sarah
Hindi na masyadong nagsasalita si Matteo Guidicelli tungkol sa kanila ni Sarah Geronimo. Say ni Matteo baka naman maakusahan siyang ginagamit ang girlfriend sa promo ng pelikula niyang Somebody to Love ng Regal Films.
“I want to protect everything this way. I just don’t really want to speak a lot about it dahil I don’t want people to think na ginagamit ko siya sa pelikula namin. Talagang nagpo-promote lang ako ng pelikula. So, I’m very careful. Some other time, if I’m not promoting a film, we can talk more about it,” sagot ng aktor sa mga nangungulit. By the way, ang Star Magic na ang nagha-handle ng career niya.
Gusto rin daw nilang maging private din muna ang relasyon nila.
“At kung strong na talaga, kung stable na talaga lahat, eh ‘di mas magiging mas comfortable tayo na mag-share or mag-open. Hindi naman sa ayaw kong maging open, it’s just that kailangang i-strenghten muna lahat,” sabi ng actor na may basbas naman daw ang mga magulang ni Sarah sa pag-amin niya sa kanilang relasyon.
James nangunguna sa lucky 13
May bagong kababaliwan ang mga bagets sa paglabas ng pelikulang Talk Back and You’re Dead bukod kay James Reid and Kapamilya actor Joseph Marco dahil kasama nila ang 11 pang alaga ng Viva Artists Agency (VAA) - ang gang na tinawag na Lucky 13. Siyempre si James ang lider.
In fairness, may mga potential ang hitsura ng 11 young male talents na sina Josh Padilla, Aki Torio, Cliff Hogan, Bret Jackson, Billy Villeta, Kiko Ramos, Arkin del Rosario, King Certeza, Clark Merced, Carlo Lazerna and Ryan Kevin.
Kahapon ay nagkaroon sila ng press launching at nagpa-impress sa pagsayaw ang grupo. Lahat daw kasi sila ay marunong kumanta at sumayaw.
Pero patutunayan nila na hindi lang sa pagsayaw at pagkanta sila puwedeng makipagsabayan dahil magpapa-impress din sila sa TBYD na bida sina James, Joseph and Nadine Lustre.
Dahil yummylicious ang hitsura, may nagtanong sa grupo kung may mga natatanggap ba silang indecent proposal?
May isang umamin sa kanila ha. At in fairness, sinabi niyang bading ang nag-offer sa kanya.
Anyway, si Josh ay anak ng 80s music hitmakers na si Gino Padilla. Ateneo student siya and current MTV Pinoy VJ.
Si Aki naman is a Filipino-Japanese actor-dancer na member ng pop dance recording act na XLR8. Nakalabas na siya sa maraming TV shows at regular sa Walang Tulugan ni Kuya Germs.
Bret naman is a Filipino-American actor and singer. Naging part siya ng PBB Teen Clash 2010 kung saan grand winner si James Reid.
Cliff naman ay bagong talent ng VAA matapos makilala bilang Justin Bieber look-alike sa It’s Showtime.
Participant naman sa Mister Philippines pageant and Cosmo Bash si Billy. Sa TBYD, he plays the role of Vin sa gang.
Arkin naman ay member din dati ng XLR8 at nagkaroon na siya ng acting nomination sa PMPC para sa indie film na Pagari. Si Kiko, Ryan and Carlo ay galing din sa XLR8
Si Clark naman ay napanood sa Diary ng Panget and ABNKKBSNPLAko?! The Movie. Nakasali na rin siya sa Solaire Bodyshots pageant.
At ang pinakahuli sa 13 ay si King na napiling Candy Cutie ng Candy Magazine bago pumirma ng kontrata sa Viva.
- Latest