^

PSN Showbiz

Anak ni Niño gagawing child wonder ng isang network

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Masayang ibinalita sa amin ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad na sisimulan na sa September 8 ang shooting ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Bossing Vic (Sotto), ang My Big Bossing’s Adventures, isang trilogy movie na magkakahiwalay na ididirek ng tatlong box-office directors na sina Tony Y. Reyes, Bb. Joyce Bernal, at Marlon Rivera na tampukan din ni Ryzza Mae Dizon and “child wonder-in-the making” na si Alonzo Muhlach.  Dagdag na balita sa amin ni Boss Orly ang pagkakasama sa pelikula ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach na full-length ang participation sa pelikula kaya tuwang-tuwa ang mag-amang Niño at Alonzo.  Ito bale ang first time na magkakasama sa pelikula ang mag-ama at makakasama ang MMFF box-office king na si Vic Sotto at child superstar na si Ryzza Mae.

Samantala, sana ma­­tuloy ang plano kay Alonzo ng isang major TV network.  Kapag nangyari ang kanilang mga plano sa bagets, hindi malayong mangyari ang na maging child wonder din ito tulad ng kanyang ama.

Matteo ingat na ingat sa pamilya ni Sarah

Kahit girlfriend na ni Matteo Guidicelli ang sikat na singer-actress na si Sarah Geronimo, careful pa rin si Matteo sa kanyang mga sagot kapag si Sarah at ang pamilya nito ang tinatanong sa kanya. Ganoon niya pinangangalagaan at pinahahalagahan ang relasyon nila ni Sarah.

Marami ang nagsasabi na masuwerte si Sarah kay Matteo dahil bukod sa galing ito sa isang buena familia sa Cebu, edukado, marespeto, at maganda ang breeding. Masuwerte rin naman si Matteo kay Sarah dahil bukod sa pagiging Pop Princess nito, mabait, magalang, at mapagmahal sa pamilya at totoo sa tao ang singer-actress.

Although ayaw i-share ni Matteo ang totoong petsa nang maging sila ni Sarah, inamin nito sa panayam sa kanya nina Kris Aquino at Toni Gonzaga sa The Buzz last Sunday na mag-iisang taon na  silang magkasintahan ni Sarah. 

Dapat matuwa ang mga magulang ni Sarah na sina Delfin at Divine para sa kanilang anak dahil napakabait at napakamagalang ni Matteo at mahal na mahal nito si Sarah.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BOSS ORLY

BOSSING VIC

CHILD WONDER

MATTEO

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with