Aktor at ex-GF na actress nagkatsugihan sa masukal at mainit na tambakan ng props
Matindi ang pailalim na bangayan ng dalawang aktres. Wala tayong nauulinigang pagsasagutan nila nang lantaran, pero totoong may lihim silang alitan, lalaki ang dahilan ng kanilang away.
? Si Actress A kasi ay dating karelasyon ng aktor na boyfriend naman ngayon ni Actress B. Huli na nang malaman ni Actress B na nagkaroon pala ng isang madaliang relasyon ang boyfriend nitong aktor at si Actress A.
? Kung matatandaan, bumida si Actress A at ang guwapong aktor nu’n sa mga blind items, nawala kasi silang dalawa sa taping ng kanilang serye, magsisimula na uli ang paggiling ng mga camera kaya ipinatatawag na sila ng executive producer.
?Pero wala sa palibot ng studio si Actress A at ang aktor, may nakapansin sa tambakan ng mga props ng network na parang may mga gumagalaw-galaw du’n at meron pang mga impit na pag-ungol, maya-maya ay nakita na lang ng propsmen na lumalabas mula sa tambakan ang parang gusot-gusot pa ang buhok na si Actress A kasunod ang guwapong aktor.
?Ewan kung nakarating na kay Actress B ang pinagpistahang kuwento nu’n tungkol sa kanyang boyfriend at sa ex nitong aktres. Kapag nakuha niya ang buong impormasyon, siguradong bibida si Actress A sa mga ipino-post na blind items ngayon ni Actress B sa kanyang FB.
?May karelasyon na uli si Actress A. Maligaya sila ng lalaki, nagpaplano na raw silang magpakasal kahit pa kontra ang pamilya ng babae sa lalaki, tutal naman ay siya raw ang makikisama sa pamosong pigura at hindi naman ang kanyang mommy.
?Ang pag-atake nga naman ng bugso ng damdamin. Kahit masukal at maalikabok sa lugar ay ayos lang, mailabas lang ang sumisirit na init ng katawan, carry na rin!
Lyca may tagaturo na sa mga sasabIhin
May umaagapay na ngayon kay Lyca Gairanod, ang nagkampeong anak-mahirap sa The Voice Kids, may nakausap kaming source mula sa kampo ng magaling kumantang bata na nagsabing may umaalalay na sa bata sa kanyang mga interview.
? Pinakabatang biktima ng mga bashers ang bata dahil sa walang malisya niyang pagsasabi na ayaw niyang magkaroon ng malaking nunal sa mukha na katulad ng sa Superstar dahil baka mapagkamalang kulangot ‘yun.
?Buong-prangka rin niyang pinuna ang pasintunadong pagkanta ni Anne Curtis. Nagsasabi lang naman ng totoo ang bata dahil kahit si Anne ay aminadong sintunado itong kumanta pero nakatikim nang maaanghang na salita sa social media si Lyca.
? Para makaiwas sa mga hindi kagandahang komento ang bata ay meron nang nagtuturo ngayon sa kanya ng mga puwede niya lang sabihin sa interview. May umaalalay na sa kanyang inosenteng kataklesan para hindi na siya pupugin ng mga bashers kahit pa wala pa naman siyang ideya tungkol sa diplomasya sa napakamura niyang edad.
?Hindi nagsisinungaling ang bata, kung ano ang kanyang opinyon at paniniwala sa mura niyang utak ay ‘yun ang lumalabas sa kanyang bibig, pero iba na ang mundong ginagalawan ngayon ni Lyca Gairanod.
?Wala na siya sa mga bundok ng basurahan na tulad nu’n, may entablado na siyang kinakantahan ngayon, may mga camera na ring palaging nakasunod sa kanya dahil markado at kilala na siya.
?Napakanatural kasi ng bata. Pakiramdam nga lang ng ibang mga kababayan natin ay lumalabis na siya sa kailangan lang, kaya kailangan na siyang i-guide, kailangan na siyang turuan ng kung anu-ano lang ang puwede niyang sabihin at hindi.
- Latest