^

PSN Showbiz

Jake mag-aaral ng acting sa New York

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mukhang magtutuluy-tuloy na ang pagganap ni Jake Cuenca bilang isang kontrabida. Kinamumuhian ang aktor sa teleseryeng Ikaw Lamang dahil sa karakter niya bilang si Franco Hidalgo. Masaya raw si Jake sa tuwing may pumapansin sa kanyang ginagawa sa nasabing proyekto. “I love getting the reaction from people. Kumbaga, pinaka-importante sa akin, nakakakuha ako ng reaction sa tao. They love what I do. As long as gabi-gabi they watch me, they go through the journey with me, masaya na ako,” pahayag ni Jake.

Nagpaplano raw ang aktor na pumunta sa Amerika upang mag-enroll sa acting class. “I’m actually going to study in New York for a month. Mag-aaral muna ako. It’s where Marlon Brando, James Dean, all my idols, Robert De Niro, Sean Penn,” pagbabahagi ni Jake.

Samantala, masayang-masaya ang relasyon ng aktor at ng Filipino-Australian na kasintahang si Chanel Olive Thomas. Napag-uusapan na rin daw ng dalawa ang pagpapakasal. “Settling down? I’m not getting any younger. I have an amazing girlfriend, I love my girlfriend, let’s see. Napag-uusapan naman but let it just happen by itself,” giit ng binata.

Legal na kasi, Ella sumabak na sa paseksihan

Katatapos pa lamang magdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan si Ella Cruz. Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ngayon ng dalaga dahil itinuturing niyang bagong yugto na ito ng kanyang buhay. “Sobrang excited po ako at the same time kinakabahan po ako. Sobrang thankful and sobrang blessed. I feel the love. Wish ko po, more blessings and magagandang happenings ang mangyari sa buhay ko po at matupad ko ‘yung mga pangarap ko,” bungad ni Ella.

May mga pagbabago na ring magaganap sa career ng aktres ngayong isa na siyang ganap na dalaga. “Isa sa mga parang launching na 18 years old na ako is this upcoming movie ko na Somebody To Love which is really mature na ‘yung role ko. Hindi basta-basta for teen, parang nasa 20’s ‘yung role ko. Siguro kaya ko nang medyo mature na role,” nakangiting pahayag ni Ella.

Samantala, pagdating sa usaping pag-ibig ay hindi pa raw nakahanda ang dalaga na pumasok sa isang relasyon lalo pa’t pag-aaral at trabaho ang kanyang pinagtutuunan ng panahon. “Sa ngayon po ayaw ko po muna. Siyempre marami pong pwede pang pagkaabalahan. Nandiyan po ‘yung college ko, ‘yung pag-aaral ko. Siyempre ‘yung pagtatrabaho ko, saka na lang po ‘yun kung handa na ako. Ayoko muna talaga ng boyfriend, ng ganyan,” paliwanag ng dalaga.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

CHANEL OLIVE THOMAS

ELLA

ELLA CRUZ

FRANCO HIDALGO

IKAW LAMANG

JAKE CUENCA

JAMES DEAN

MARLON BRANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with