As expected, Nora Aunor pinataob ang mga kalaban sa Cinemalaya
As expected, ang Superstar na si Nora Aunor ang tinanghal na Best Actress sa 10th Anniversary ng Cinemalaya Independent Film Festival na tumakbo ng sampung araw mula August 1 to August 10 sa ginanap na awards night sa Cultural Center of the Philippines (CCP) nung nakaraang Linggo ng gabi. Pelikulang Hustisya na idinirek ng premyadong direktor na si Joel Lamangan ang nagpanalo kay Guy sa Director’s Showcase Category habang si Robert Arevalo naman ang tinanghal na Best Actor para sa pelikulang Hari ng Tondo na pinamahalaan ni Carlitos Siguion-Reyna.
Best Supporting Actress naman sa Director’s Showcase Category ang singer-actress at apo ng veteran singer-actress Armida Siguion-Reyna na si Cris Villongco para sa pelikulang Hari ng Tondo pa rin habang ang anak naman ng singer-comedian-TV host Jose Manalo, na si Nicco Manalo ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa pelikulang The Janitor. Si Mike Tuviera naman ang nagwaging Best Director for the movie The Janitor.
Ang pelikulang The Janitor ay nakapag-uwi ng limang awards, Best Direction (Mike Tuviera), Best Supporting Actor (Nicco Manalo), Best Screenplay, Best Editing at Best Sound. Apat na tropeo naman ang nakuha ng pelikulang Kasal – Best Film, Best Cinematography, Best Musical Score at Best Production Design. Tatlo ang awards ng Hustisya – Best Actress (Nora Aunor), Audience Choice at NETPAC Award at dalawa naman ang Hari ng Tondo – Best Actor (Robert Arevalo) at Best Supporting Actress (Cris Villongco). Nabigyan naman ng special citation (para sa poster) ang pelikulang Asintado.
Sa New Breed Category naman, apat ang nakuha ng pelikulang Bwaya – Best Film, Best Cinematography, Best Musical Score at NETPAC Award.
Nakakuha naman Special Jury Award ang K’na The Dreamweaver. Tatlo naman ang naiuwi ng Dagitab na idinirek ni Giancarlo Abrahan V – Best Actress (Eula Valdez), Best Screenplay at Best Direction. Tatlo rin ang naibulsa ng The Children’s Show – Best Supporting Actor (Miggs Cuaderno), Best Editing at Canon Cinematography Award. Dalawa ang nakuha ng K’Na The Dreamweaver – ang Special Jury Award at Best Production Design. Nakapag-uwi naman ng Best Supporting Actress ang Kapuso young star na si Barbie Forteza sa pelikulang Mariquina at Audience Choice Award naman ang Sundalong Kanin.
Nakakuha naman ng Special Citation (Emsemble Acting) sina Elmo Magalona, Kit Thompson, Sophie Albert, at Coleen Garcia.
Para naman sa Short Film Catergory - nanalong Best Short film ang Asan si Lolo Me. Special Jury ang The Ordinary Things We Do habang ang pelikulang Lola ay nakapag-uwi ng tatlong parangal – Audience Choice, Best Screenplay, at Best Direction.
Ang ikasampung Cinemalaya Independent Film Festival ay maituturing na siyang pinaka-successful na taon ng nasabing filmfest.
- Latest