^

PSN Showbiz

Bet mapasama sa Big 4 tsugi sa PBB house

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Natanggal din pala ang natsismis na magiging isa sa Top 4 ng PBB All in  si Manolo Pedrosa. Ang hinihintay ng lahat ay kung kailan naman mai-evict si Joshua Garcia? O baka naman hindi na at isa kina Maris Racal, Loisa Andalio, Vicky Rushton, at Daniel Matsunaga ang magiging sacrificial lamb? Magiging predictable ka ba Kuya?

Proposal ni Dingdong kay Marian pinag-uusapan pa rin sa apat na sulok ng ‘Pinas

Hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin sa apat na sulok ng PIlipinas ang marriage proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera nung Sabado ng gabi. Hindi nakapagtataka dahil talaga namang romantiko ang mga Pinoy. Ganitung-ganito ang mga gustung-gusto nilang senaryo lalo pa’t totoo at hindi pelikula ang palabas sa TV. Ngayon, may aabangan na naman sila at ito ang magiging kasal ng dalawa.

Matteo at Sarah naglilihim pa rin

Ipinagsisigawan ni Matteo Guidicelli ang pag-ibig niya kay Sarah Geronimo. Nagtataka lang ako kung bakit ayaw aminin ni Matteo kung kailan nagsimula ang relasyon nilang dalawa. Bakit ba ito ipinakalilihim pa? Ito ba ang gusto ni Sarah? Bakit kaila­ngang may maging lihim sa relasyon nila? I’m sure malalaman din ito later on dahil kakailanganin nilang mag-celebrate ng anniversary ng relasyon nila which started 2013.

Fans ni Kathryn ‘di pa rin tanggap si Nadine

Binabash pa rin daw si Nadine Lustre dahil sa pagiging magkahawig nila ni Kathryn Bernardo. Ano ba naman kayo, kasalanan ba niya ito? Habang nagtatagal naman ito ay lalaki ang agwat ng pagkakamukha nila. For sure, marami silang pagkakaiba sa ngayon. Pati rin naman sa mukha ay magiging magkakalayo ang hitsura nila dahil mas matututo na silang pagandahin ang kanilang sarili. Kaya hayaan n’yo na muna silang maging magkamukha for now.

 

vuukle comment

BAKIT

DANIEL MATSUNAGA

DINGDONG DANTES

JOSHUA GARCIA

KATHRYN BERNARDO

LOISA ANDALIO

MANOLO PEDROSA

MARIAN RIVERA

MARIS RACAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with