Ex-husband may hawak na ‘bomba’ sa dating asawang aktres na panay ang dakdak
Dapat ay manahimik na lamang ang aktres na ito na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ng kanyang mister dahil may `bomba’ ring hawak ang ex-husband ng aktres na may kinalaman sa kanyang indiscretion. Pumatol umano ang aktres sa mister ng kanilang common friend.
Jessy ayaw nang pag-usapan si JM, pero gusto pa ring makatrabaho
Magaling na aktor si JM de Guzman at nakakapanghinayang na kung kelan sumisikat na ang kanyang karera bilang aktor ay saka naman siya nagumon sa droga na siyang dahilan ng kanyang pansamantalang pagkawala. Dapat maging reminder ito sa mga kabataang artista na iwasan ang masamang bisyo – droga, alak, sugal, at iba pa kung gusto nilang magtagal sila sa industriya na kanilang pinasok.
Marami ang nanghinayang kay JM dahil may magaganda itong projects na pinakawalan nang siya’y magpa-rehab. But everyone deserves a second chance at hindi rito naiiba si JM na nagbabalik-showbiz pagkatapos ng isang taong pahinga.
Samantala, natutuwa ang ex-GF ni JM na si Jessy Mendiola sa pagbabalik ng dating kasintahan at willing din umano siyang makatrabahong muli ang aktor. Pero ayaw na ni Jessy na pag-usapang muli ang kanilang nakaraan dahil pare-pareho na umano silang nakapag-move on at ganoon din naman ang gustong mangyari ni JM.
Mark tatlong oras nakipag-bonding kay Mrs. Marcos
Last Wednesday, sa tulong nina Manay Ichu Maceda at Kuya Germs (Moreno), naging posible ang pakikipagkita ni Mark Bautista sa dating unang ginang at ngayon ay kinatawan ng Ilocos Norte na si Madam Imelda Marcos sa tanggapan nito sa Kongreso. Tatlong oras ang kanilang ginugol sa kuwentuhan at tuwang-tuwa ang singer-actor sa oras na ibinigay ng kongresista. Ayon kay Mark, marami umano siyang na-discover at natutunan tungkol sa namayapang pangulo ng bansang si Ferdinand Marcos na makakatulong sa kanyang pagganap sa character nito sa stage play na Here Lies Love.
Hindi rin ikinakaila ni Mark na totoong na-strarstruck siya nang makaharap niya ang dating Unang Ginang.
Kahapon, August 10 ay kaarawan ni Mark at advance birthday gift bale niya ang pagkakapili sa kanya sa West End musical play na Here Lies Love na magsisimulang mapanood sa National Theatre sa London next month.
- Latest