Apo ng aktres Brazilian hunk pala ang ama
Nakita namin ang isang magaling na aktres (MA) sa presscon ng pelikulang entry sa Cinemalaya na kasama siya. Kinumusta namin sa kanya ang apo at tuwang-tuwang sinabing proud lola siya at masayang nag-aalaga sa apo.
Ipapakita sana nito ang picture ng apo, pero wala sa kanyang cellphone. Chance na sana naming makita kung totoo ang tsika na kamukha ng kanyang apo ang ama nitong si Brazilian hunk (BH) daw. Tama ba ang tsismis na hindi pa nakikita ni BH ang baby niya at ayaw daw nitong kilalanin ang bata?
Ang suhestiyon, ipa-DNA ang baby, kaya lang, payag naman kaya si BH na magpa-DNA para lang malaman kung siya talaga ang ama ng baby. Sa mga nababasa namin, may GF ang lalaki, matanggap kaya nitong may anak sa ibang babae ang nobyo?
Kaya naman pala nag-deny ang isang Fil-Brit celebrity nang akusahang siya ang ama ng ipinagbubuntis noon ng anak ni MA dahil totoo.
Solenn tambak ang endorsement
Kahit sa Sunday All Stars lang regular na napapanood sa GMA 7 si Solenn Heussaff, very visible ito sa rami nang endorsement na pawang malalaking produkto. Maya’t maya may product launching ito at ang pinaka-latest ay ang pagiging endorser ng Calayan Surgicenter. Bongga si Solenn dahil ang ini-endorse na treatment at ipinangalan sa kanya.
Magiging busy na rin naman sa TV at movies si Solenn dahil kasama siya ni Alden Richards sa Ilustrado at kung hindi mababago, German lady ang kanyang role at may dialogue siya in German na ikina-i-excite ng dalaga.
Also, in-offer ni director Peque Gallaga kay Solenn ang magbida sa remake ng Tiyanak na ang original movie ay pinagbidahan nina Janice de Belen, Ramon Christopher, at Lotlot de Leon.
Sa version na gagawin ni Solenn, si Tom Rodriguez daw ang makakapareha nito at may isang big star pa. Nagkasama na ang dalawa sa remake ng Temptation Island, kaya magkakilala na sila.
Rafa feel na feel na pinagkaguluhan ng mga tao
Pinagkaguluhan si Rafa Siguion-Reyna sa lobby ng CCP after ng gala night ng launching movie niyang Hari ng Tondo na entry sa Directors Showcase Category sa Cinemalaya sa direction ng amang si Carlitos Siguion-Reyna. Tuwang-tuwa si Rafa na may tumatawag sa kanyang Ricky (name niya sa movie).
Nakilala rin si Rafa dahil napapanood siya sa Niño bilang si Ric naman na sidekick ni Jay Manalo. Natatawa ang binata dahil hindi nagkakalayo ang name ng karakter niya sa movie at sa teleserye ng GMA 7.
Bakit kaya hindi isama si Rafa sa mall show ng cast ng Niño para mas makilala ng tao? Gaya this Sunday, may mall show sina Miguel Tanfelix, David Remo, Sandy Talag, at Renz Valerio, 4pm., sa SM Center Valenzuela. Isama na rin ang ibang cast dahil hinahanap sila ng tao.
Direk Andoy binalikan ang mga alaala sa ABS-CBN
Sabi ni direk Andoy Ranay, walang comparison sa Talk Back And You’re Dead at Diary ng Panget na parehong pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre dahil magkaiba ang story ng two movies at iba ang experience niya bilang director.
Mas mature raw ang TBYD na ang title ay inspired sa Meteor Garden kung saan, nilalagyan ng red tag ng F4 ang mga taong hindi nila nagugustuhan.
Muling tumuntong sa ABS-CBN si direk Andoy sa presscon ng TBYD and he’s happy to be back and he feels at home dahil sa ABS-CBN siya nagsimula. Sa network daw siya nag-grow at nagdala sa kanya ng good and bad memories ang pagbabalik niya, pero mas nanaig ang maraming natutunan.
Showing sa August 20 ang TBYD na hinihintay na ng fans nina James, Nadine, Yassi Pressman, at Joseph Marco.
- Latest