^

PSN Showbiz

Baby Zion may award na agad, naka-tie pa ni Vice Ganda!; Aljur abala sa target shooting; Cinemalaya movies mas pinilahan kaysa kay Erich

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN:  Mas marami ang nanonood ng mga pelikula na kasali sa 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival kesa Once A Princess na karagdagan sa listahan ng mga movie project ni Erich Gonzales na hindi sinuportahan ng moviegoers.

SCENE: Ang Cebuana beauty na si Eva Psychee Patalinjug ang kinoronahan bilang  Mutya ng Pilipinas Asia Pacific, si Glennifer Perido ang nanalo na Mutya ng  Pilipinas Tourism International, at Mutya ng Pilipinas Overseas Community si Patrizia Bosco. First runner-up si Cristine Racel at second runner-up si Kim Fyfe sa coronation night na ginanap sa Solaire Resort & Casino Grand Ballroom noong Biyernes.

SEEN: Tie sina Vice Ganda at Zion Lahbati sa Supreme Trendsetter of the Year ng Tatt Awards na ginanap noong Biyernes sa SMX Convention Center. Sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang tumanggap ng first ever award ng kanilang anak.

SCENE: Ang target shooting ang libangan ni Aljur Abrenica na  puwersadong nagbakasyon ang showbiz career. Dapat mag-enroll si Aljur sa mga acting workshop habang hindi siya busy.

SEEN: Ang birthday surprise kay Iza Calzado sa taping ng Hawak Kamay noong Biyernes. Ginulat si Iza ng mga kasamahan niya sa Biggest Loser, ASAP19, at Hawak Kamay.

SCENE: Humingi ng paumanhin sa publiko si Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil sa pananampal niya sa Chinese national na pinaghihinalaan na drug dealer ngunit marami ang natuwa sa kanyang ginawa. Hindi dapat nag-sorry si Herbert ang nagkakaisang opinyon ng nakararami.

SEEN: Natural actress si Lyca Gairanod, ang The Voice Kids champion na pamumulot ng basura ang ikinabubuhay ng pamilya. Mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ang life story ni Lyca at gagampanan niya ang sarili.

SCENE: Ngayon ang awards night ng Cinemalaya X sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines. Matunog ang mga pangalan nina Nora Aunor, Dennis Trillo, at Ai-Ai delas Alas sa mga mananalo ng acting award.

ALJUR ABRENICA

ANG CEBUANA

BIGGEST LOSER

BIYERNES

CASINO GRAND BALLROOM

CINEMALAYA PHILIPPINE INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CINEMALAYA X

HAWAK KAMAY

MUTYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with