^

PSN Showbiz

Anak nina Boyet at Sandy may cancer

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nasa Amerika pa sina Christopher de Leon at Sandy Andolong kaya ako muna ang magpapa­salamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa mabilis na paggaling ng kanilang anak na si Miguel na na-diagnose na may testicular cancer.

Confident ako na makukuha sa gamot at gagaling si Miguel dahil bukod sa mataas ang survival rate ng testicular cancer patients, bata pa siya kaya malakas ang kanyang resistensya para labanan ang karamdaman niya. Nabanggit ko na kahapon na maiiwan si Sandy sa San Francisco dahil siya ang mag-aalaga kay Miguel at babalik sa Pilipinas si Christopher sa Lunes nang umaga dahil 1:00 p.m. ang calltime niya para sa kanyang taping sa Book 2 ng Ikaw Lamang. Hindi puwedeng magtagal sa US si Boyet dahil mga eksena niya sa Ikaw Lamang ang kukunan.

Pelikula ni Alfred kay Andres Bonifacio kasama sa TOP 10 important Cinemalaya Films

Nagkakausap kami ni Congressman Alfred Vargas sa telepono kaya alam ko ang mga nangyayari sa kanya pero hindi pa kami nagkikita ng personal mula nang bumalik siya sa Pilipinas.

Halos isang buwan si Alfred sa Spain at may kinalaman sa mga tungkulin niya bilang house representative ng District 5 sa Quezon City ang kanyang biyahe. Ngayong hapon pa lamang kami magkikita ni Alfred, pagkatapos ng live telecast ng Startalk.

May indie movie si Alfred na kasali sa Cinemalaya X at isa siya sa mga producer at bida ng pelikula. Sa pagkakaalam ko, pinapili si Alfred ng role na gagam­panan niya. Hindi niya pinili ang role na napunta kay Victor Neri dahil sa mga daring scene. Maingat si Alfred sa pagtanggap ng mga role dahil isinasaalang-alang niya ang kanyang pagiging public servant. May balak pa rin si Alfred na gumawa ng mga indie movie dahil positive ang mga feedback sa mga project niya. Tiyak na matutuwa si Alfred kapag nalaman nito na kasali sa listahan ng 10 Important Cinemalaya Films ang kanyang indie movie tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio, ang Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, ang 2010 indie movie ng yumaong direktor na si Mario O’Hara.

Masuwerte si Alfred dahil nabigyan siya ng oportunidad na makatrabaho si Mario bago ito pumanaw noong June 2012. Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio ang huling movie project ni Mario na itinuturing na isa sa pinakamahusay na direktor ng ating bansa.

Naging official entry sa Director’s Showcase ng Cinemalaya noong 2010 ang indie movie na pinagbidahan ni Alfred. Ang encouraging words and reviews ang mga dahilan kaya sure ako na patuloy na gagawa si Alfred ng mga indie movie.

Kampo ni Derek Ramsay may panggulat sa dating asawa

Kaabang-abang ang pasabog ng kampo ni Derek Ramsay laban sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly. May idea na ako sa pasabog ng kampo ni Derek pero hindi ko muna sasabihin. Ipapaubaya ko sa lawyer ni Derek ang rebelasyon na posibleng makapagpahina sa kaso na isinampa ni Jolly laban sa aktor.

Hindi muna nagsasalita si Derek tungkol sa asunto ni Jolly pero sa pagkakaintindi ko, magiging vindicated siya kapag nabunyag ang kanyang pasabog na detalyado at pinaghandaan. Pag-uusapan ngayong hapon sa Startalk ang bagong isyu na kinasasangkutan ni Derek. Tiniyak ng Startalk na makuha ang panig ng magkabilang kampo, sa ngalan ng balanse na pag-uulat.

vuukle comment

ALFRED

ANDRES BONIFACIO

ANG PAGLILITIS

DAHIL

DEREK

DEREK RAMSAY

IKAW LAMANG

MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with