^

PSN Showbiz

Alden Richards bumilib sa mga Cebuanong dumagsa sa Bet ng Bayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paniguradong masaya ngayon ang Kapuso prime leading man na si Alden Richards dahil sa patuloy na pag-arangkada ng kanyang career. Matapos niyang makuha ang role bilang Dr. Jose Rizal sa historical primetime series ng GMA Network na Ilustrado, magiging co-host din siya ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa pinakabagong Kapuso reality-talent search na Bet ng Bayan.

“It’s definitely a privilege to become part of a show like this that aims to discover nothing but the best Filipino talents across the country,” pahayag ni Alden na dumayo pa sa SM City Cebu noong Hulyo 26 para personal na mapanood ang scouting sa Queen City of the South.

“The experience, for me, was really inspiring knowing thousands of aspirants are ready to take a chance on fulfilling a lifetime dream. Sa Cebu pa lang, napakarami nang deserving makapasok at manalo. I just can’t wait for the show to air so the viewers can see the exceptional talents of our kababayans,” dagdag niya.

Kasabay ng Cebu ay ang two-day auditions sa SM City Bacolod kung saan nakisaya ang talented Kapuso singer at guest performer na si Frencheska Farr.

Ang Bet ng Bayan ay proyekto ng Entertainment TV group ng Network, sa pakikipagtulungan sa GMA Regional TV. Layunin nitong i-highlight ang kahanga-hanga at nakabibilib na talento ng mga bet ng bawat rehiyon hanggang sa mahanap at makilala ang best bet ng bansa.

“We take the effort to bring local talent to a national platform through Bet ng Bayan, by seeking them out where they are,” paliwanag ng Bet ng Bayan Program Manager na si Charles Koo. “Makikita natin sa show na ito ang galing ng bawat lugar, at sa paghaharap-harap ng iba’t ibang ba­yan, magkakaroon ng pagkakataon ang bet mo na maging Bet ng Bayan,” dagdag niya.

Bukas ang Bet ng Bayan sa lahat ng Filipino singers, dancers, at iba pang novelty performers na kailangang magpasiklab sa alin man sa tatlong kategorya: Bet na Singer/s, Bet na Dancer/s, at Bet na Kakaibang Talento o Novelty Act.

Ang mga gustong sumali ay kailangang maghanda ng one-mi­nute act, at magdala ng kopya ng kanilang birth certificate, picture, at valid ID na may address.  Naka-schedule naman ang iba pang auditions sa SM City Naga (August 8 & 9); SM City Cagayan de Oro (August 9 & 10); SM City Davao (August 9 & 10); SM City Batangas (August 22 & 23); LCC Mall Legazpi (August 23&24); Robinsons Place Dumaguete (August 25 & 26); SM City Rosales (September 6 & 7); SM City Iloilo (September 6 & 7); at SM City Baguio (September 26 & 27).

Samantala, isang linggo bago ang Cebu leg ng Bet ng Bayan auditions, si Alden ay napanood ng mga Cebuano sa isang Kapuso Mall Show kasama ang fast-rising actress na si Max Collins sa Gaisano Island Mall Mactan kung saan tinata­yang 2,800 supporters ang na-entertain.

ALDEN RICHARDS

AMP

ANG BET

BAYAN

BAYAN PROGRAM MANAGER

BET

CEBU

CITY

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with