^

PSN Showbiz

Pamilya ni Robin pinakyaw ng TV5

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagkita kami noong Martes ng direktor na si Monti Parungao na direktor namin sa defunct show na Tweetbiz.

Lumipat na si Monti sa TV5 at siya ang direktor ng Talentadong Pinoy, ang talent search show ng TV5 na malapit nang bumalik sa telebisyon.

Ang mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang mga bagong host ng Talentadong Pinoy dahil hindi tinanggap ni Ryan Agoncillo ang offer ng TV5.

Ikinuwento sa akin ni Monti na napakabait at very cooperative na katrabaho si Robin pero nakipagsabayan daw ito kay Mariel bilang co-host ng Talentadong Pinoy.

Mga Kapatid talent na si Robin at ang kanyang pamilya dahil bukod sa Talentadong Pinoy, may sitcom sila nina Rommel at BB Gandanghari sa TV5, ang TV show na may tentative title na 2 ½ Daddies.

Pasalubong kina Bong at Jinggoy masarap harbatin

Mga congressman mula sa iba’t ibang probinsya ang naabutan ko nang dalawin ko sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center noong Martes.

Tulad nang dati, may mga pasalubong na pagkain kina Bong at Papa Jinggoy ang kanilang mga bisita. Muntik na akong ma-tempt na iuwi ang mga kesong puti at ube halaya pero inabot ako ng hiya.

Maayos naman ang kalagayan ng dalawa sa PNP Custodial Center.

May advisory nga pala ang mga bantay na maghihigpit bukas sa Camp Crame dahil sa isang event na dadaluhan ni P-Noy.

Kaya sa mga nagbabalak na dumalaw bukas sa mga detainee sa Camp Crame, ipagpaliban na lamang ninyo sa ibang araw ang pagbisita dahil triple ang higpit bukas sa nasabing kampo.

JET7 Bistro favorite hangout na ng mga artista

Maraming salamat sa may-ari ng Jet7 Bistro, ang restaurant sa ground floor ng President’s Tower sa Timog Avenue dahil sa kanyang pangako na padadalhan niya ako sa Sabado ng masarap na pasta na specialty ng restaurant nila.

Hindi mahirap hanapin ang Jet7 Bistro dahil across lamang ito sa salon ni Bambbi Fuentes.

Nagiging favorite hang out ng mga artista ang Jet7 Bistro dahil sa masasarap na pagkain at very cozy na lugar.

Nakikilala na ang Jet7 Bistro dahil dito madalas idaos ang mga presscon at one-on-one interview sa mga artista.

Ang Jet7 Bistro ang venue ng presscon ng Celestine, ang major concert ni Toni Gonzaga sa Mall of Asia Arena sa October 3 at ng Throwback Thursday, ang birthday concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum sa August 28.

Ang Gutierrez family ang unang gumamit sa Jet7 Bistro bilang venue ng presscon noon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Naudlot na pelikula ng INC ginawang stage play

Stage play at hindi na isang malaking pelikula ang Ang Sugo na project para sa Centennial Celebration ng Iglesia ni Cristo.

Hindi ko alam ang dahilan sa naudlot na pagsasapelikula ng Ang Sugo na pagbibidahan sana nina Richard Gomez, Albert Martinez, Alfred Vargas, Dawn Zulueta, at ng ibang mga artista na member ng INC.

Nabalitaan ko na lang na stageplay na ang Ang Sugo at itatanghal ito sa biggest indoor arena sa buong mundo, ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kasama sana sa cast ng Ang Sugo, the Movie si Bong pero nag-back out siya nang masangkot ang kanyang pangalan sa PDAF scandal. Personal na nagpaalam si Bong sa mga ministro ng INC at naunawaan naman nila ang kanyang sitwasyon.

Si Cesar Montano ang napabalita noon na co-director ng Ang Sugo pero hindi na nga matutuloy ang movie project na bahagi sana ng Centennial Celebration ng INC.

ALBERT MARTINEZ

ALFRED VARGAS

ANG SUGO

CAMP CRAME

CENTENNIAL CELEBRATION

CUSTODIAL CENTER

DAHIL

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with