^

PSN Showbiz

Claudine at Raymart nagpa-plastikan sa harap ng mga anak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ano ba talaga Salve A? Tila nalilito na ang publiko sa away-bati ng (da­ting) mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na kamakailan lamang ay muling nakitang ma­saya sa ika-7th birthday ce­lebration ng kanilang anak na si Santino.

Kung matatandaan pa, nagkasama ang mag-anak  last June sa birthday ng kanilang adoptive daughter na si Sabina. Si Claudine pa mismo ang nag-post ng kanilang picture na magkasama ang (dating) mag-asawa kasama ang ka­nilang mga anak na si Sabina at Santino pero a week after ay muling nagbatuhan ng akusasyon ang dalawa at kasama na rito ang pagpu-pose ni Claudine kung saan ipi­nakita ang mga pasa sa kanyang hita. Nag-post na­man si Raymart sa kanyang Instagram ng mga litrato ni Claudine na may mga pasa sa mukha sanhi ng kanyang post-surgical facial procedure.

Ongoing pa rin ang demandahan ng ex-couple pero nagagawa nilang “mag­plastikan” sa harap ng ka­nilang mga anak.

Quiet Please… pangatlong game show na ni Goma

Exciting ang kakaibang co­medy game show ng TV5, ang Quite Please! Bawal ang Maingay to be hosted by Richard Gomez with K Brosas as his co-host na magsisimulang mapanood ngayong Linggo, August 10 sa ganap na ika-8 ng gabi.

Ang Freenmantle franchise game show ay nagsimula sa Kazakhstan pero nilagyan ng Pinoy touch para ito’y umakma sa Filipino audience.

Sa pilot episode ay maglalaban-laban ang magkakahiwalay na team nina Derek Ramsay, Alice Dixson, at Wendell Ramos at ang grupo nina Joey Marquez, Anjo Yllana, at Snooky Serna.

Ang Quiet Please! Bawal ang Maingay ay third game show na bale ni Goma (Richard) with him as host.  Nauna na rito ang franchise ng Family Feud na napanood sa GMA 7 at ang Biggest Game Show in the World na ipinalabas naman sa TV5.

ALICE DIXSON

ANG FREENMANTLE

ANG QUIET PLEASE

ANJO YLLANA

BAWAL

BIGGEST GAME SHOW

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with