Solenn tahimik na kasalan ang gusto
Hindi requirement para kay Solenn Heussaff ang isang singsing o kasal para maki-live in sa kanyang ka-partner. Tatlong taon na silang nagsasama ng kanyang businessman boyfriend sa iisang bubong at maayos naman ang kanilang pagsasama. Pero katulad din ng maraming babae, nangangarap din ng isang wedding si Solenn at alam niya na mangyayari ito kung hindi man ngayon ay sa malapit na hinaharap. Gusto niya ng isang tahimik na kasalan lamang with her family and some of her closest friends in attendance.
Goma hindi kumukupas
Matapos ang matagumpay nilang dance battle, isa namang game show ang handog ng mga taga-TV5 sa maraming manonood ng TV. Ito ang Quiet Please! Bawal ang Maingay na magsisimulang mapanood sa araw ng Linggo, August 10, alas-8:00 ng gabi.
Ang hindi kumukupas na aktor na si Richard Gomez ang host nito na nahasa sa GMAsa paghu-host ng game show na Family Feud. Kaya nga relax na relax ito sa paghu-host ng game show kapiling ang entertainment media. Kapartner niya ang napakaingay na si K Brosas na kakailanganing pigilin ang kanyang bibig para hindi makapag-ingay katulad sa hinihiling ng programa lalo‘t nagsisimula nang tumakbo ang mga challenges.
Sa pormal na media launch ng game show, may dalawang grupo ng entertainment press ang pinayagang maglaro. They were given the challenges na magpunit ng papel ng walang ingay, ganundin ang kumain ng sitsaron ng matahimik. Pinakamahirap na ipinagawa sa kanila ang magbukas ng canned soda nang hindi maririnig ang sitsit ng carbon o ang pagdantay ng klip nito sa lata para mabuksan ang softdrink. Nag-tie ang dalawang grupo. Pareho nilang napunit ang papel nang walang ingay, pero nanalo at nag-uwi ng premyong groceries at P30,000 na personal na bigay ni Goma ang ikalawang grupo na binubuo nina Chit Ramos ng Journal Group, Letty Celi ng PM at ako ng Pilipino Star NGAYON dahil mas mabilis kong napunit ang papel kaysa sa kalaban naming grupo.
May ilulunsad ang TV5 na Quiet Please! Mobile Application na magbibigay ng pagkakataon sa mga manonood na ma-enjoy ang mga palaro kahit kailan at kahit saan man nila gustuhin.
- Latest