Marian sinuportahan ang dating ‘kasamang’ si Dennis!
Present sina Dennis Trillo, Derek Ramsay, LJ Reyes, Nicco Manalo, Alex Medina, Sunshine Garcia, at Richard Gomez sa Gala Screening ng The Janitor last Monday at narinig nila ang positive feedback ng audience sa action-packed movie. Tama ang sinabi ni direk Mike Tuviera na walang itatapon sa napili niyang cast dahil lahat mahuhusay at bumagay sa kani-kanyang role.
As expected, magaling si Dennis as the janitor na tao ang nililinis at si Derek, puwedeng bida-kontrabida. Bagay silang magsama, ang ganda ng confrontation at fight scene nila. Ang ganda ng twist ng story at dito lang namin napanood na namatay ang karakter ni Richard.
Dumating si Marian Rivera sa Gala Screening ng The Janitor, late na ito pumasok sa Main Theater ng CCP. Hindi kami sure kung nagkatinginan sila ng former manager niyang si Popoy Caritativo na kasama ang mother ni Dennis Trillo.
Nanood si Marian sa movie bilang suporta kay direk Mike Tuviera at sa APT Entertaimment na producer ng The Janitor.
Puwedeng i-release commercially ang The Janitor at panonoorin ito dahil kakaibang action at may hatak sa moviegoers ang cast.
Angeli nakilala dahil kay Niño
Nakita ni Angeli Bayani ang advantage ng artistang may regular soap nang mag-shooting siya ng Bwaya sa Agusan. Nakilala siya ng mga tao dahil napapanood siya sa Niño at marami siyang eksena dahil friend ni Angelu de Leon ang role niya.
Isang Babaylan ang unang nakakilala sa kanya, kaya pasalamat si Angeli na napasama siya sa cast ng teleserye.
Anyway, ayaw umasa ni Angeli sa sinabi ni director Francis Xavier Pasion na malaki ang tsansa niyang manalong best actress sa New Breed Category sa mahusay niyang pagganap sa role ni Divina, ina ng batang inatake ng buwaya. Ngiti lang ang reaction nito sa pahayag ng kanyang director sa pelikula na palabas sa ginaganap na Cinemalaya X.
Maricel nakakabawi na
Napalitan ng mga papuri ang mga nakaraang na blind items tungkol kay Maricel Soriano sa early days ng taping at airing ng Ang Dalawang Mrs. Real sa husay na ipinapakita sa teleserye ng GMA 7. Lumabas daw ang dating husay ni Maricel at siya lang ang makapagbibigay buhay sa karakter na pino-portray sa teleserye. Pinahanga nito ang viewers sa atakeng ginawa sa confrontation scene niya kina Dingdong Dantes at Lovi Poe.
- Latest