^

PSN Showbiz

Cesar hindi nanood ng Ronda

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

For the very first time ay dumalo kami sa ongoing 10th Cinemalaya Independent Film Festival na nagsimula last August 1 at magtatapos on August 10.

Sa paanyaya ng aming kaibigan at kasamahan sa panulat na si Jojo Gabinete, isa kami sa napakara­ming dumayo sa Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa sold-out screening ng Ronda (Patrol) starred in and co-produced ng singer-comedienne na si AiAi delas Alas.

Straight drama ang Ronda na tinampukan din nina Carlos Morales, Julian Trono, Bernardo Bernardo, Menggie Cobarrubias, at kung saan naman may special participation sina Cesar Montano at Nonie Buencamino.

Sayang at hindi nakadalo si Cesar dahil kahit maiksi lamang ang kanyang participation sa Ronda ay markado ang kanilang mainit na eksena ni AiAi.

Sa totoo lang, worth it ang paghintay at pagpila namin sa Ronda dahil maganda ang pagkakagawa ng pelikula.

Isa si AiAi sa makikipag-agawan sa Best Actress trophy na pini-predict ng iba na mapupunta kay Nora Aunor ng Hustisya.

Alfred hindi hahayaang masira ang pamilya

Kung si AiAi delas Alas ay co-producer ng kanyang first indie movie na Ronda, co-producer din ang actor-politician na si Alfred Vargas ng kanyang Cinemalaya entry na S6parados na dinriek ni GB Sampedro. Maganda rin ang feedback ng indie movie ni Alfred.

Galing sa isang broken family si Alfred kaya gusto niyang ma-save ang kanyang sariling pamilya.  Masaya ang kanilang pagsasama ng asawang si Yasmine Espiritu kasama ang kanilang dalawang anak.

Speaking of Yasmine, papasa itong artista kung gugustuhin nito. Napakaganda ng misis ni Alfred na may hawig kina Marian Rivera at Carla Abellana.

Aljur mainipin

Sana hinintay na lamang ni Aljur Abrenica na mag-expire ang kanyang kontrata at saka siya hindi mag-renew kung ayaw na niya.

Sa totoo lang, Salve A., marami ngang ibang Kapuso aktor ang naiinggit kay Aljur sa bakuran ng GMA kaya sila man ay nagulat sa ginawang move nito sa pagkalas sa kumpanyang nag-build-up sa kanya.

Wait and see ngayon ang publiko kung ano ang kahihinatnan ng karera ni Aljur na itinuring na Primetime Prince ng Kapuso Network.

ALFRED VARGAS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BERNARDO BERNARDO

BEST ACTRESS

CARLA ABELLANA

CARLOS MORALES

CESAR MONTANO

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

RONDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with