^

PSN Showbiz

Young actress pakakasalan na ang non-showbiz BF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Carla Abellana ang isa sa pinakapaboritong paksa na pinag-uusapan sa social media, at pati na rin ng bashers.

Meron pang ipinasa sa amin na bagong site na Carla.Abella.Cheater na kung saan may naka-post na may ka-chat diumano si Carla na sinabi niyang pupunta daw siya ng Australia sa may Townsville kasama raw ang kapatid niya, ang kanyang ina at ang special someone.

Baka raw manood sila ng concert ni Katy Perry sa November ng taong ito.

Si Tom Rodriguez kaya ang tinutukoy niyang special someone?

Tinanong naman ang Kapuso actress sa presscon ng pelikula niyang Somebody to Love, kung si Tom na nga ba ang tinutukoy? 

“Marami tayong somebody to love,” pakli nito.

“May mga nawawala, meron namang mga dumadating. There’s so many people to love all around us,” safe niyang sagot na sinabi ring niyang posible ring si Tom, pero wala raw talaga siyang time sa ngayon.

PAK: Totoo kayang balak nang magpakasal ng isang maganda at mestisang young actress sa kanyang non-showbiz boyfriend?

May nakausap kaming ilang taong malapit kay young actress na kinakausap na raw sila kung puwedeng maging ninong sa kanilang kasal.

Saka na namin sabihin kung sino kung aaminin na ni young actress ang balak nilang magkasin­tahan.

Kung totoo nga ito,  nakakagulat lang dahil bata pa naman si young actress, at okay naman ang takbo ng kanyang career.

Hindi naman daw buntis, pero matagal na kasi ang relasyon nilang magkasintahan, at mukhang handa na si non-showbiz boyfriend na mag-settle down.

BOOM: Mukhang okay na naman ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto dahil magkasama sila sa inihanda nilang birthday party ng anak nilang si Santino na ginanap sa Blue Leaf Events sa Ma­kati nung nakaraang Sa­bado.

 Isa sa mga guests ang nag-post nito sa kanyang Instagram account at ban­­dang huli ay nag-post din si Claudine sa kanyang Instagram account na kasama nila si Raymart.

May caption pa si Claudine na “a little bit of bonding #fatherdaughter.”

Tinanong namin si Raymart pero hindi ito su­magot.

Ayaw daw niya talaga dahil sa gag order na mahigpit na ipinag-utos ng korte.

Ang pagkakaalam namin nagkaroon sila ng hearing nung nakaraang linggo, pero walang komento ang dalawang kampo tungkol dito.

 

vuukle comment

BLUE LEAF EVENTS

CARLA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

INSTAGRAM

KATY PERRY

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SI CARLA ABELLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with