Melissa takot na takot nang mabuntis
Natakot daw kamakailan si Melissa Ricks nang makumpirmang siya ay nagdadalang-tao na. Kinabahan ang aktres kung ano ang sasabihin ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga lalo pa’t hindi nalalaman ng mga ito na mayroon siyang karelasyon. “Telling my family, how will I tell my friends, sa mga taong sumusuporta sa akin, sa management. Parang it was just really scary. I was scared kung ano ang sasabihin ng mga tao kasi no one really knew that I was in a relationship. Parang feeling ko nasira ‘yung mga plano para sa akin and baka ma-disappoint sila. Pero it turned out everyone was happy for me,” nakangiting kwento ni Melissa.
Matagal na raw kakilala ng aktres ang kasintahan na nagngangalang Charles pero noong isang taon lamang sila lubusang naging malapit sa isa’t isa. Hindi nagdalawang-isip si Melissa na ipaalam kaagad sa mga magulang ang kanyang kondisyon. “We had dinner sa bahay. First time kong nakitang sobrang tahimik ni Charles. Kasi siyempre sobrang nahihiya siya and that was the first time na magharap-harap kami. Siyempre hindi naman biro na humarap sa isang ama ‘di ba? Lalo na ‘yung daddy ko, and then it turned out well. He was just asking kung ano ba ang balak niya para sa akin,” pagbabahagi ng aktres.
Naitanong din ng ama ni Melissa kung may balak na bang magpakasal ng magkasintahan ngayong magkakaroon na sila ng anak. “Sabi namin we’ve talked about it but right now the priority is the baby and how we’re gonna take care of the baby,” pagtatapos ng aktres.
Pacman laging pinangangaralan si Mommy D
Hindi raw pabor si Manny Pacquiao sa plano ng inang si Mommy Dionisia na muling magpakasal. May kasintahan daw ngayon si Mommy Dionisia, 40 years old ito na taga-Cebu. “Sinabihan ko siya, ‘Ikaw na bahala, kung hindi man kita mapilit, kung sundin mo ‘yung gusto ng katawan mo, ‘yung desire ng flesh or sundin mo ang gusto ng Panginoon.’ Gusto pa nga magpakasal, sabi ko, ‘Kung kami tanungin mo ayaw namin ng mga anak mo,” kwento ni Manny.
Hindi pa naman daw mangyayari ang plano ni Mommy Dionisia lalo pa’t hindi pa annulled ang kasal nito sa unang asawa. “Si mama at si papa hindi sila kasal. Si mama at ‘yung unang asawa niya, kasal sila. ‘Yung unang napangasawa buhay pa. Hindi ako nagkulang ng pagpapaalala,” giit ng Pambansang Kamao. -Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest