^

PSN Showbiz

Piolo ‘di kayang magsayaw

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Mag-o-open-up si Piolo Pascual tungkol sa kanyang public at private life sa E! News Asia Special. Ang exclusive na no holds bar tell all interviews ay magaganap sa September 28 sa E! at 9:00 p.m.

Sa presscon ng E! News Asia Special, sinabi ng aktor na inihihiwalay niya ang kanyang personal na buhay sa kanyang trabaho kung saan kapag nasa bahay ito ay isa lang siyang ordinaryong tao.

‘‘Hindi lang ako actor o celebrity kundi gusto ko ring ipamalas ang iba ko pang kaalaman bilang singer o prodyuser ‘yun nga lang may ‘di ako magawa – ang pagsasayaw,’’ aniya.

Inamin din nito na handa na siyang makipagrelas­yon sa isang 20 something-year-old lady na malapit sa Panginoon.

Ayaw na nitong pag-usapan ang retirement at hang­­gang kailangan siya ng industry ay mananatili raw siya sa showbiz.

Kasama ni Piolo ang ibang regional entertainment powerhouses gaya ni Lisa Surihani ng Malaysia, Jay Park ng South Korea, Aaron Aziz ng Singapore at ang kababayang si Anne Curtis.

Guy ipinagmamalaki ang pagiging member ng sindikato

Masayang-masaya si Nora Aunor dahil sa kauna-unahang pagsali nito sa pinakapopular na Cinemalaya Independent Film Festival kung saan ipinagmamalaki ang pelikula niyang Hustisya sa direksyon ni Joel Lamangan at panulat ni Ricky Lee. Minsan pang pinatunayan ni Guy ang super galing niyang pag-arte bilang si Biring, isang Bicolana na nagtatrabaho sa human syndicate trafficking. Wala siyang pakialam sa kasamaang sinasadlakan niya. Na-frame-up ito sa kasalanang hindi niya ginawa.

Mapapanood ang Hustisya sa Greenbelt, Trinoma, Fairview Terraces, Alabang Town Center, at Ayala Cinema mula August 2-August 10.

AARON AZIZ

ALABANG TOWN CENTER

ANNE CURTIS

AYALA CINEMA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

FAIRVIEW TERRACES

HUSTISYA

JAY PARK

NEWS ASIA SPECIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with