Jennylyn tinuruang kumain ng isaw si Derek
Ilang araw pa lang nagsu-shooting sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films na English Only, Please, kinakitaan agad sila ng chemistry. Ang producer na si Atty. Joji Alonso ang nagpatunay na malakas ang chemistry ng dalawa at bumagay sa kani-kanyang role.
Ayaw mag-spoiler ni Atty. Joji, ang sabi lang, tuturuan ni Jennylyn magsalita ng Tagalog rito si Derek at habang nangyayari ‘yun, marami ang kaganapang dapat abangan. Nagulat ang producer, dahil kilala niyang drama actress si Jennylyn, nagulat siya na magaling din ito sa comedy.
Agad nagklik sina Jennylyn at Derek, at kahapon nga, nasa Cebu ang aktres dahil sumali ito sa Ironman 70.3 Philippines. Dahil din kay Jennylyn, nakatikim ng isaw si Derek habang nasa shooting sila.
Nilinaw pala ni Atty. Joji na hindi siya ang naglapit sa anak na si Nico Antonio kay director Thop Nazareno para ang anak ang gawing bida sa short film na Eyeball na finalist sa Short Film Category sa 2014 Cinemalaya. Mismong director ang tumawag kay Nico dahil nagalingan at natuwa sa kanya nang mapanood siya sa Sana Dati.
Gabby at Mona Louise magpapaiyak sa Miracle…
Nang malamang sina Gabby Eigenmann at Mona Louise Rey ang magboboses sa mag-ama sa Korean drama hit movie na Miracle in Cell No. 7, marami agad ang gustong mapanood ang pelikulang nagpaiyak sa mga nakapanood na.
Hindi pa lang alam ni Gabby kung saang time slot ilalagay ng GMA 7 ang Tagalized Korean movie na kahit siyang dina-dub ang lines ng amang mentally-challenged, naiyak na. Pinuri nito si Mona na maagang nagpakita ng husay sa pag-arte.
Sanay na sa drama si Mona at kung napapanood ninyo ang My BFF, makikitang hindi ito nagpapatalo sa aktingan kina Jillian Ward, Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Pen Medina, at sa ibang childstars na mas matagal na sa showbiz kesa sa kanya.
- Latest