^

PSN Showbiz

Matapos ang Urian Angeli Bayani pang-best actress uli sa Bwaya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bida ang Urian Best Actress (tumalo kina Nora Aunor at Gov. Vilma Santos) sa isa sa pelikulang finalists sa 10th Anniversary ng Cinemalaya na Bwaya, si Angeli Bayani, na pormal na nagbukas last August  1 at tatagal hanggang August 10. Sinulat at dinirek ni Francis Xavier Pasion ang Bwaya.

True to life drama ang Bwaya - tungkol sa isang nanay, si Divina (Angeli) na isang old Manobo na ang isa sa sampung anak ay sinakmal ng bwaya sa kanilang lugar sa Agusan. Naganap ito noong 2008. Habang naghahanda si Nanay Divina para sa 12th birthday ng anak na hinihintay niya galing sa eskuwelahan ay masamang balita ang natanggap niya - hindi na niya makikitang buhay ang anak na nagdadalagita dahil sinakmal na ng buwaya.

Nakita nila ang katawan ng anak dalawang araw pagkatapos atakihin ng bwaya. Tanging ang mukha lang ang nasira at nanatiling buo ang katawan ng 12 anyos na bata na si Rowena.

Ayon sa kuwento ni Direk Francis, base sa kuwento ng ina ni Rowena, parang nag-iingay ito (Rowena) at pahampas-hampas sa malapit sa lugar na may mga bwaya. Ang analysis ng mga tagaroon, naingayan ang bwaya sa bata, kaya nito sinakmal.

Sa ilalim ng water lilies na nakuha ang katawan ng bagets na hindi na inimbalsamo at walang proper funeral and it was buried in an unmarked grave due to sanitary purposes.

Kaya naman nag-request ang nanay ng bata kina Direk Francis ng disenteng libingan. Mapapanood sa pelikula kung paano inilipat ang katawan ng kawawang bata sa disente niyang himlayan.

Nang mahuli ang kino-consider na pinakamala­king bwaya na pinangalanang si Lolong, pina-X-ray ito para malaman kung ito ang sumakmal sa mukha ni Rowena, pero no human remains ang natagpuan sa bwayang namatay na rin.

Ang Bwaya rin ang kauna-unahang pelikula na kinunan sa Agusan Marshlands. Ang Agusan Marshland ay protected sanctuary na karamihan sa nakatira ay tribong Manobo.

Fifteen days nag-stay sa nasabing lugar (Loreto Panlabuhan Lake, Agusan del Sur), kung saan floating houses ang makikitang tirahan ng mga katutubo, ang cast and crew ng pelikulang kasali sa Cinemalaya X.

“Yun ang lugar na puro tubig ang paligid pero ang hirap-hirap ng tubig na inumin, basic necessities, ang hirap,” naalalang kuwento ni Ms. Angeli na mas nakikilala na ngayon matapos masungkit ang best actress trophy sa Urian para sa pelikulang Norte ni Lav Diaz.

Nung una nilang punta sa Agusan, nag-stay sila sa apartelle. Pero kailangan nilang mag-travel ng dalawang oras. “Nauubos ang oras namin sa biyahe so pagbalik namin, doon na kami nag-stay. Mahirap. Akala namin magkaka-problema kami pero inembrace nila kami,” pahayag ng actress tungkol sa pagtira sa Loreto kasama ang mga Manobo.

Bukod kay Angeli, kasama rin sa Bwaya sina Karl Medina and RS Francisco. Local talent ang gumanap sa character na Rowena na mismong si Direk Francis ang nakakita sa bata habang tumatalon sa ilog. Ang ibang supporting characters ay pawang locals na rin.

Inaangkin na ni Direk Francis na ang bida niya ang mananalong best actress sa ginaganap na Cinemalaya.

Bukod sa Norte, nauna nang pinabilib ni Angeli ang mga nakapanood sa pelikula niyang Iloilo na ipinalabas sa Cannes Film Festival.

Hindi binigyan kaya nagdemanda:

Derek bina-blackmail daw ng dating asawa, humihirit ng P40M

Uy bina-blackmail daw si Derek Ramsay nang nagpapakilalang ex-wife niya na si Mary Christine Jolly Ramsay kaya nito pilit na binubuhay ang nakaraan nila ng actor. Kahapon ay nagpadala si Atty. Joji Alonzo ng sagot sa mga akusasyon ng sinasabing dating asawa ng actor na isa sa mga bida ng palabas pa ring pelikulang Trophy Wife.

Isa kami sa mga nakatanggap ng kopya sa naging demanda umano ng dating misis ng actor. Di raw kasi nito (Derek) sinusuportahan ang dating asawa at anak kaya napilitan na itong dalhin sa korte.

Heto ang kumpletong statement ni Atty Joji:

“To everyone: I am certain you must have heard by now about the criminal case filed against Derek for alleged failure to support a certain Mary and her son. Pls do not believe everything you’ve read. I have been on board this concern some 3 yrs ago. Mary has been blackmailing Derek to give P40 M. She wants to make an ATM machine out of him. Their relationship lasted 9 months, 12 yrs ago. She is in a relationship herself with a Swiss nat’l. She has been harassing Derek with texts, emails, tweets, etc. I have gathered substantial evidence like lewd pictures, flight details in and out of the country, emails, texts, the works. She has changed lawyers 5x because they eventually give up on her. So tuloy lang tayo sa pagbuo ng English Only Please (pelikula ni Derek na si Atty. Joji ang producer.)  Salamat.”

vuukle comment

AGUSAN

ANGELI

BWAYA

DEREK

DIREK FRANCIS

MANOBO

ROWENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with