^

PSN Showbiz

Lyca hindi pa rin tanggap na mayaman na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang natuwa para sa kauna-unahang The Voice Kids (Philippines) champion na si Lyca Gairanod hindi lamang sa husay nitong kumanta, kundi dahil na rin sa kanyang pinagmulan na siyang nakakuha ng simpatiya sa mga manonood.

Maraming tao ang nagdasal para kay Lyca na sana’y siya ang tanghaling grand winner at hindi naman sila nabigo. 

Destined to become a star si Lyca na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na biglang magbabago ang buhay nila ng kanyang pamilya dahil sa pagkakapanalo niya sa The Voice Kids.

Ngayong may pera na si Lyca, matutupad na nito ang kanyang pangarap na makapag-aral ganundin ang kanyang mga kapatid.

Awayan nina Claudine, Marjorie, at Gretchen natabunan nina Julia at Claudia

Halos sabay umanong nag-file ng Petition to Change Name ang magkapatid na Julia at Claudia Barretto sa korte pero mas naunang naaprubahan ang petition ni Claudia na i-drop ang family name ng kanilang amang si Dennis Padilla na Baldivia ang tunay nilang apelyido.  Since pareho pang menor-de-edad sina Julia at Claudia, sinasabing ang kanilang inang si Marjorie Barretto ang nag-initiate nito.

May tatlong anak ang estranged couple na sina Dennis at Marjorie. Bukod kina Julia at Claudia, nariyan pa si Leon, ang kanilang bunsong anak na malamang sumunod kina Julia at Claudia na mag-petition na palitan ang apelyidong Baldivia to Barretto.

Dahil sa Petition to Change Name nina Julia at Claudia, nalipat sa kanila ang attention ng marami sa halip na sa away ng Barretto sisters na sina Gret­chen, Marjorie at Claudine Barretto nakatuon ang lahat.

Walang kaalam-alam si Dennis na nung August of 2013 pa pala nakahain ang petition ng magkapatid na Julia at Claudia.

BALDIVIA

BARRETTO

CHANGE NAME

CLAUDIA

CLAUDIA BARRETTO

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

JULIA

LYCA

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with