^

PSN Showbiz

Dahil sa ulan, Bong at Papa Jinggoy maayos na ang kalagayan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dumalaw ako kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa custodial center ng PNP sa Camp Crame pagkatapos ng pocket presscon noong Miyerkules ng  concert ni Toni Gonzaga sa Mall of Asia Arena.

Naabutan ko sa custodial center si Dra. Loi Ejercito at ang misis ni Papa Jinggoy na si Precy.

Maayos naman ang kalagayan nina Bong at Papa Jinggoy. Tama ang suspetsa ko na nakakatulong ang madalas na pag-ulan para mabawasan ang init sa kulungan nila.

Hindi nawawalan ng mga dumadalaw sa dalawa pero mahigpit na ipinatutupad ang visiting hours. Hindi puwedeng lumampas sa 5:00 pm ang dalaw kina Bong at Papa Jinggoy.

Mark hindi pumayag na ilibing si Daddy Jun sa Bicol

Natapos ko noong Miyerkules ang mga social obligation ko dahil mula sa Camp Crame, dumiretso ako sa burol ng tatay ni Mark Herras.

Naabutan ko sa burol ng ama ni Mark si Jennylyn Mercado at ang nanay nito na si Aling Lydia. Naroroon din sina Winwyn Marquez, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at ang ibang mga kasamahan ni Mark sa Sunday All Stars.

Dinaramdam nang husto ni Mark ang pagkawala ng kanyang ama. Panay ang lapit at punas niya sa ibabaw ng ataol ni Daddy Jun. May pagkakataon na nakikita si Mark na umiiyak kapag nag-iisa siya.

Dadalhin sa Laguna sa Linggo ang labi ni Daddy Jun na taga-Bicol ang pamilya. Hindi pumayag si Mark na iuwi at ilibing sa Bicol ang kanyang adoptive father dahil hindi raw niya madadalaw. Ililibing si Daddy Jun sa Laguna, sa tabi ng puntod ng lola ni Mark.

Randy Ortiz hindi kapani-paniwalang may kinalaman sa damit ni Nancy

Hindi talaga ako makapaniwala na si Randy Ortiz ang gumawa ng mga damit na ginamit ni Senator Nancy Binay sa State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

Para makasiguro, nagtanong ako sa maraming tao pero pare-pareho ang kanilang sagot, si Randy nga ang creator ng pinaglalaruan na outfit ni Mama Nancy.

Si Randy rin ang gumawa ng modern terno na sinuot ni Lucy Torres-Gomez sa SONA. Kung nilalait ang damit ni Mama Nancy, pinupuri naman ang modern terno ni Lucy.

Ayoko talagang maniwala na may kinalaman si Randy sa damit ni Mama Nancy dahil mahusay at award-winning fashion designer siya.

Walang fashion designer ang may gusto na nilalait ang mga kasuotan ng kanilang mga kliyente, lalo na kung katulad ni Randy na masyadong metikuloso at respetado.

Aljur puring-puri noon ni Renz

Napakabuti ni Renz Fernandez kay Aljur Abrenica nang magkasama sila noon sa Prinsesa ng Buhay Ko ng GMA 7.

Kapag nakakausap ko si Renz, puring-puri niya si Aljur dahil mabait ito at propesyonal na katrabaho kaya hindi ko matanggap ang isyu na hindi natutuwa si Aljur na magkapantay ang billing ng mga pangalan nila ng anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez sa teleserye na kanilang pinagsamahan.

Kung hindi totoo ang kumakalat na balita, dapat magsalita si Aljur at linawin niya ang isyu dahil negang-nega ngayon ang kanyang image kaya paliit nang paliit ang space niya sa entertainment industry.

Hustisya at Hari ng Tondo maglalaban sa Cinemalaya X

Magaganda ang reviews na nababasa ko tungkol sa Hari ng Tondo, ang official entry ng direktor na si Carlitos Siguion-Reyna sa Directors’ Showcase ng Cinemalaya X.

Positive din ang mga feedback sa Hustisya na entry naman ni Joel Lamangan sa nasabing indie movie festival.

Ang Hari ng Tondo at Hustisya ang inaasahan na maglalaban sa awards night ng Cinemalaya na opisyal na magsisimula ngayon.

ALJUR

BICOL

CAMP CRAME

CINEMALAYA X

DADDY JUN

HUSTISYA

MAMA NANCY

MARK

PAPA JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with