Mommy D. dapat kainggitan ng mga loveless
O biruin n’yo, humahataw na naman si Mommy D. Hindi lamang ang pagsusuot niya ng magandang gown sa State of the Nation Address (SONA) ang pinupuri, pinag-uusapan din ang pagkakaro’n niya ng love life.
Marami ang dapat matuto ng leksyon sa ina ng Pambansang Kamao. Without meaning to, umaagaw siya ng pansin ng tao. ‘Yung mga walang love life ay nabibigyan niya ng inspirasyon. Kung siya na hindi na kabataan ay nakakatagpo pa ng bagong pag-ibig, bakit hindi ‘yung mga mas bata sa kanya? Oo nga naman, hindi rin niya siguro pinangarap na makasama sa best dressed, pero nakasali siya sa top 10. Bongga ka, Mommy D!
Cristine inuna ni Derek kesa kay Kris?
Dinedma raw ni Derek Ramsay si Kris Aquino sa premiere night ng Trophy Wife. Hindi naman siguro niya ito mabigyan ng pansin dahil he had to take care of Cristine Reyes. I’m sure alam ito ni Kris, hindi naman siguro niya layunin na agawin ang atensyon ni Derek from his co-actors in the film. Kris was just there to show her support. Kahit kailangan niyang magmadaling umalis dahil may programa pa siya sa TV na kailangan niyang puntahan.
- Latest