^

PSN Showbiz

Pops ayaw sapawan si Toni

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi kami nagpang-abot ni Pops Fernandez sa pocket presscon para sa concert ni Toni Gonzaga sa Mall of Asia Arena sa October 3.

Nakaalis na ako nang dumating si Pops sa presscon venue. Knowing Pops, sinadya niya na magpa-late para naka-focus kay Toni ang atensyon ng entertainment press.

Ano ang kinalaman ni Pops sa concert ni Toni? Siya lang naman ang producer ng Celestine, na mapapanood sa MOA Arena sa October.

Naniniwala si Pops sa kasabihan na daig ng maagap ang masipag kaya sobrang aga ng presscon na ipinatawag niya para kay Toni.

Mas pumayat si Toni nang magkita kami kahapon dahil sa rami ng kanyang mga ginagawa. Si Toni ang host ng Pinoy Big Brother (PBB) All In na matatapos na sa susunod na buwan. Kahit mababawasan ang kanyang regular show sa TV, busy pa rin ang schedule ni Toni dahil ang Celestine ang paghahandaan niya.

Eat Bulaga mahigit tatlong dekada nang namamayagpag sa ere!

Ipinagdiwang kahapon sa Eat Bulaga ang 35th year sa telebisyon ng number one noontime show ng bansa.

Wala nang puwedeng makapantay sa mga achievement ng Eat Bulaga na hindi kinakasawaan na panoorin ng publiko. Mahirap nang mapantayan o malampasan ang matagal na pamamayagpag ng Eat Bulaga sa telebisyon.

Totoo ang madalas sabihin ni Papa Joey de Leon na hangga’t may mga bata, may Eat Bulaga. Marami na ang mga artista na sumikat at nawala pero nandiyan pa rin ang Eat Bulaga. Mula sa PSN (Pilipino Star NGAYON), congratulations Eat Bulaga!

Mark nahihirapan sa pagkamatay ng ama

Nakikiramay ako kay Mark Herras at sa kanyang pamilya dahil sa pagpanaw noong Lunes ng adoptive father niya.

Iyak nang iyak si Mark sa pagkawala ng kanyang ama na si Jun Herras na malaki ang impluwensya sa buhay niya.

Kumplikasyon sa diabetes ang dahilan ng  pagkamatay ni Daddy Jun na naging mabuting ama kay Mark. Bumuhos ang pakikiramay kay Mark nang ilagay nito sa kanyang Instagram account ang pamamaalam niya kay Jun na minahal at itinuring siya na isang tunay na anak.

 “Thank you dad for everything… Salamat sa lahat ng mga magagandang alaala na iniwan mo sa akin… Kung papaano mo ako pinalaki, inalagaan at minahal…

 “27 years kitang kasama dad, hindi ko alam kung paano ako gigising sa umaga at matutulog sa gabi ngayong alam kong wala ka na… Ikaw ang bumibili sa akin ng mga gamit ko mula noon hanggang ngayon lalo na ‘pag biglaan… 

 “Dad mahal na mahal kita at maraming salamat po sa lahat. I love you daddy Jun…”

Natupad ang pangarap ni Jun na magkaroon ng sariling bahay si Mark kaya gusto nito na iburol sa tahanan nila ang namatay na ama.

Nagbago ang plano dahil napagkasunduan na iburol ang mga labi ni Daddy Jun sa ibang lugar. Ang ex-girlfriend ni Mark na si Jennylyn Mercado ang unang nakiramay nang malaman niya ang malungkot na balita. Malapit si Jennylyn kay Daddy Jun.

Raymond ganadung-ganadong mag-aral sa London

Natuloy ang pag-aaral ni Raymond Gutierrez sa Central Saint Martins ng University of the Arts London.

Hindi magtatagal si Raymond sa London dahil short course lang ang pinag-aaralan niya, ang Cross Discipline: Trend Forecasting.

Ganadung-ganado si Raymond sa pag-aaral dahil gustung-gusto niya ang course, pati na ang bansa na pinuntahan.

Mapapanood sa Second Season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang sandali na pananatili ni Raymond sa London.

ALL IN

DADDY JUN

EAT BULAGA

NANG

NIYA

RAYMOND

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with