Derek dinedma si Kris nang dumating sa premiere night
Umapir si Kris Aquino sa premiere night ng pelikulang Trophy Wife na ang isa sa mga bida ay ang nali-link sa kanyang si Derek Ramsay. Medyo late na nga lang ang presidential sister kaya hindi na niya nasimulan ang pelikula. Hindi na rin niya natapos dahil may Aquino & Abunda Tonight pa siya kaya wala pa siyang isang oras ay umalis na ng sinehan sa Megamall the other night.
Pero balitang hindi nilapitan ni Direk si Kris sa loob ng sinehan hanggang sa makaalis ito.
Maging sa kanilang social media accounts ay walang nabanggit sina Kris and Derek na nagpunta ang una sa premiere night.
What gives?
Bakit yata all of a sudden ay malamig na sila sa isa’t isa? May kinalaman kaya ito sa balitang seryoso si Derek sa kanyang GF?
Ganunpaman, nanghihinayang ang mga spectator na hindi natapos ni Kris ang pelikula dahil hindi nito nakita ang unexpected twists and revelations sa kabuuan ng kuwento ng pelikulang pinagbibidahan din nina Cristine Reyes, Heart Evangelista, and John Estrada.
Aside from Kris, dumating din for Derek si Jennylyn Mercado na leading lady ng aktor sa ginagawa nitong movie na intended for Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang mag-asawang Richard and Lucy Gomez naman ang sumuporta kay John Estrada. Ang kanyang ate Ara Mina kasama ang boyfriend na si Mayor Patrick Meneses ay dumating for Cristine Reyes.
Nakakahinayang naman kung seseryosohin ni Cristine ang pamamahinga sa pagpapa-sexy. Aba, bukod sa mga sexy scenes niya sa Trophy Wife, lutang na lutang din ang acting niya. Kahit naman nagpapa-sexy siya ay hindi bastusin ang hitsura ng aktres. Sobra rin ang kakinisan ng balat niya. Pantay at alam mong natural.
Ganundin si Heart na pagkaganda-ganda sa pelikula. Alam mong super in love ang kanyang aura. Kaya lang, hindi namin naispatan si Sen. Chiz Escudero sa ginanap na premiere night.
Lahat silang mga bida ay magagaling sa Trophy Wife including G Toengi na gumanap na asawang sinasaktan ni John.
Nagbukas sa mga sinehan ang Trophy Wife kahapon.
Toni hindi apektado kahit nilalait
Hindi apektado si Toni Gonzaga sa pamimintas/panlalait sa kanyang Pond’s commercial kung saan sinasabi na siya ang pinaka-panget sa kanilang grupo. Sinasabihan pa siyang duleng daw. Pero wa care ang actress/TV host. “Kahit naman noon pinipintasan na ako. Mula sa hibla ng buhok ko hanggang sa dulo ng kuko, so wala na dung bago,” sabi ni Toni sa intimate tsikahan kahapon para sa kanyang major concert sa MOA Arena sa October 3, Celestine.
Kaya hindi na siya nag-aaksaya ng oras para sagutin o seryosohin ang mga nanlalait sa ganda niya dahil alam naman niyang trabaho na ‘yun ng iba.
May times na iniisip niyang mag-react pero ‘pag sinasabi na raw niya sa boyfriend na si Direk Paul Soriano, nire-remind siyang “sasayangin mo lang ang time and energy mo. Save it for your concert.”
Super supportive raw kasi talaga sa kanya ang BF na director na ayon kay Toni ay may pagka-submissive at pagka-dominant. “Paul is the most positive person,” dagdag ni Toni. “Which I agree kasi sayang naman na magsasalita pa ako,” pagka-klaro uli niya.
Anyway, personal choice niya si Paolo Valenciano na mag-direk ng kanyang Celestine concert na si Ms. Pops Fernandez ang producer. Ayon kay Toni matagal nang pinaplano ang nasabing solo concert niya. Kaya nang tumawag si Pipay (Pops) at sabihin na gusto niyang mag-produce ng solo concert for Toni, inaayos agad nila.
Several times na siyang nakapag-perform sa MOA Arena. Pero this time, solo niya ang stage.
At noon palang first major concert niya sa Araneta Coliseum, nag-collapse ang vocal chords niya kaya ngayon hindi niya sasabayan ng pelikula ang paghahanda sa Celestine concert. “Noon kasi sabay-sabay. May taping, singing, corporate shows. So one week before the concert nawalan ako ng boses. Ngayon alam ko na,” sabi ni Toni na nangakong hindi ordinary production numbers ang gagawin niya.
Mabibili sa SM Ticketnet 470 2222 ang mga ticket or call DSL Events and Production House 0918563781 or 09167150672.
- Latest