^

PSN Showbiz

Babaeng sawi sa pag-ibig noon, naging panalo sa negosyong sabon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idedetalye ni Karen Davila ang kwento ng pagbangon ng isang negosyanteng niloko at iniwan ng kanyang mister sa pamamagitan ng paggugol ng kanyang oras at atensyon sa negosyong sabon ngayon (Hulyo 30) sa My Puhunan.

Mala-teleserye ang buhay pag-ibig ni Elizabeth Bacani, ang may-ari ng Mestiza Soap. Devoted siyang asawa’t ina sa kabila ng pagiging subsob sa pag­nenegosyo – pero hindi pa rin nito napigil ang kanyang mister upang lokohin siya.

Araw-gabi noong umiiyak si Beth hanggang sa dumating ang negosyong nagpayaman sa kanya at sa kanyang tatlong anak at naghilom na rin ng sugat sa kanyang puso – ang Mestiza Soap.

Walang endorser, billboard o TV advertisement ang Mestiza Soap pero naging patok ito sa mga Pinoy. Ipinagmamalaki ni Beth na ang kanyang whi­tening at healing soaps na siyang pinakamura at pinaka-natural sa merkado.

Kumikita na ngayon si Beth ng milyun-milyon ka­da buwan. Mula sa mangilang piraso ng sabon noon na inilalako ng kanyang mga anak, 75,000 piraso na ang ginagawa sa kanilang factory araw-araw.

Kaya naman ang negosyong sabon na nagpaa­senso kay Beth, ibabahagi niya sa ilang residente sa Barangay Happy Land sa Tondo, Maynila.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Hulyo 30), 4 p.m. sa ABS-CBN.

ARAW

BARANGAY HAPPY LAND

ELIZABETH BACANI

HULYO

IDEDETALYE

KANYANG

KAREN DAVILA

MESTIZA SOAP

MY PUHUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with