^

PSN Showbiz

May sakit? Claudine idinesplay na naman ang mga pasa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Baka naman may sakit si Claudine Barretto kaya marami siyang mga pasa-pasa sa legs? Kahapon sa kanyang Instagram account, idinesplay na naman niya ang hitang tadtad ng mga pasa at parang paso ba ‘yun. Dalawang anggulo ang inilagay niya. Sa unang photo ay may caption na “Thank you Lord super great progress. Patience pa & everyday wound dreassing with Dra. Acel. Sana wag po mag-judge agad-agad ang mga tao. May-pray na lang pls. Thank you and God bless u all.”

Sa second photo ay mas naka-focus at makikita talagang may bugbog o parang pasa-pasa.

Baka nga may sakit siya? Kasi hindi na­man puwedeng bugbog siguro ni Raymart Santiago ‘yun.

Melissa Ricks kumpirmadong buntis

Kumpirmado, buntis nga pala ang Kapamilya aktres na si Melissa Ricks.

Ang PR ng Star Magic na si Tess Gubi mismo ang nag-confirm ng bali-balita sa bigla nitong pagtaba.

“Yes, it’s true. She’s pregnant,” sabi niya sa text message.

Obviously, non showbiz guy ang ama ng kanyang dinadala dahil wala naman nali-link sa kanyang showbiz actor after ng hiwalayan nila ni Paul Jake Castillo na ngayon ay boyfriend naman ni Kaye Abad.

Dating basurerang si Lyca Gairanod, grand champion ng The Voice kids

Wagi bilang kauna-unahang grand champion ng The Voice Kids ang siyam na taong gulang na si Lyca Gairanod ng Cavite matapos niyang makuha ang pinakamaraming text at online votes mula sa taong-bayan sa two-night finale ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show.

Nanguna sa botohan ang pambato ni coach Sarah Geronimo base sa tatlong rounds na Power Ballad, Upbeat Song, at Special Performance with a Celebrity Guest upang manalo ng P1 milyon, one-year recording contract mula sa MCA Universal, house and lot, home appliance showcase, musical instrument showcase, at P1 milyong worth na trust fund.

Pumangalawa naman si Darren Espanto ng Team Sarah, kasunod sina Juan Karlos Labajo ng Team Bamboo at Darlene Vibares ng Team Lea sa ikatlo at ikaapat na pwesto.

Nagwagi si Lyca ma­­tapos kantahin ang Narito Ako ni Regine Velasquez para sa kanyang ballad at ang Call Me Maybe ni Carly Rae Jep­sen sa kanyang upbeat song noong Sabado ng gabi (Hulyo 26), ngunit ang talagang tumatak sa mga manonood ay ang kanyang performance ng Basang Basa sa Ulan at pakikipagsabayan sa ban­dang Aegis noong Linggo (Hulyo 27) na umani ng standing ovation mula kay coach Lea Salonga, Bamboo, at sa audience ng Resorts World Manila.

Hindi pa man nagsisimulang umere ang The Voice Kids ay gumawa na ng ingay si Lyca dahil sa kanyang blind audition performance ng Halik ng Aegis na nagsilbing isa sa mga teaser para sa pagsisimula ng programa at naging isang viral hit.

Sa kanyang pagsuong at pagtatagumpay sa Battle Rounds, Sing-Offs, at Live Semi-Finals, na­ban­sagan si Lyca bilang ang Little Superstar matapos siyang ikumpara ni coach Lea kay Nora Aunor. Dito rin mas nakilala pa si Lyca bilang ang batang may pangarap na lumaki sa kahirapan bilang anak ng amang mangingisda na minsa’y tinutulungan ang kanyang ina na mangalakal ng basura. Naibahagi rin ni Lyca noon na minsa’y  kumakanta siya para sa kanyang mga kapitbahay para bigyan ng pera o pagkain.

Sa star-studded na Sunday finale, nag-perform din ang ibang finalists na sina Darren kasama si Mar­tin Nievera, si Juan Karlos kasama si Gary Valenciano, at si Darlene naman si Lani Misalucha.

Binuksan ang nasabing gabi, na pinangunahan ng hosts na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga, ng isang performance kasama ang Final Four young artists, tatlong coaches, at ang The Voice of the Phi­lippines  Season 1 grand winner na si Mitoy at fina­lists na sina Klarisse de Guzman, Myk Perez, at Janice Javier.

 

ALEX GONZAGA

BASANG BASA

BATTLE ROUNDS

KANYANG

LYCA

LYCA GAIRANOD

MELISSA RICKS

SHY

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with