Carla parang photographer nang mag-perform si Tom sa Philpop
Napaiyak si Kyla nang i-announce na si Jungee Marcelo at ang composition nitong Salbabida na siya ang nag-interpret, ang grand winner sa 3rd Philpop finals na ginawa sa Meralco Theater last Saturday.
Kahit interpreter lang siya, na-pressure pa rin ng husto si Kyla dahil nasa isip na kailangan galingan niya ang pagkanta para manalo ang komposiyon ni Jungee. Nagbunga ang two weeks na paghahanda niya sa grand finals at pagmemorya sa song na mahirap daw dahil malalim ang words.
Hindi maderetso ni Kyla kung hahatian siya ni Jungee ng cash prize nitong P1M dahil nahihiya siya, pero ‘yun ang kanilang usapan. Hindi na nito binanggit kung magkano ang hatian nila.
Second time win na ito ni Jungee sa Philpop dahil last year, nag-third prize ang composition niyang Pansamantagal. Ibabayad daw niya sa mga utang at dadalhin ang misis niya for a vacation.
Natuwa kami sa set of judges sa 2014 Philpop dahil majority ay mga batang musikero gaya nina Aiza Seguerra, Julie Anne San Jose, Abra, at Sam Concepcion, kasama rin si 2013 Miss World Megan Young. Sina Noel Cabangon at Wilma Galvante lang ang may edad.
Kinilig naman ang fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na nasa Meralco Theater sa grand finals ng 3rd Philpop dahil present ang aktres. Sabi ni Arnold Vegafria, manager ni Carla, sinuportahan lang nito ang leading man sa My Destiny, kaya dumating ang aktres.
Nakita naming busy si Carla sa pagkuha ng pictures ng mga performer, pero mas sinipag siyang kunan ng picture si Tom nang ito na ang kumanta. Bago ‘yun, nag-post si Carla sa Instagram (IG) ng quotation na So Do Not Worry About Tomorrow For Tomorrow Will Care For Itself. Sinagot ‘yun ni Tom ng “Thank you @carlaangeline!!! Mwah mwah mwah!!!” na sobrang kinakiligan ng TomCar fans.
Pati yata si Arnold sinuportahan ni Carla dahil ang manager nito ang producer ng grand finals ng 3rd Philpop at si Kathleen Dy Go ng Universal Records. In fairness, pati stage ay bigger and better, sabi nga ni Prof. Ryan Cayabyab.
- Latest