Hawak Kamay may rewind
MANILA, Philippines - Balikan ang simula ng kwento ng bagong serye ng ABS-CBN na Hawak Kamay na magkakaroon ng rewind ngayong Sabado (Hulyo 26) ng 10:30 am bago ang It’s Showtime. Panoorin muli kung paano mag-uumpisa ang pagbabago ng isang musikerong si Gin (Piolo Pascual) sa pagdating ng tatlong batang ampon, sina Emong (Zaijan Jaranilla), Dara (Xyriel Manabat), at Ningning (Yesha Camile). Kasama sa Hawak Kamay sina Piolo Pascual, Iza Calzado, Nikki Gil, Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Yesha Camile, Ryan Bang, Axel Torres, Sofia Andres, at Victor Neri.
- Latest