^

PSN Showbiz

GRR magtuturo kung paano yumaman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkasunod na naghasik ng puot ang mga bagyong Glenda at Henry.  Marami ang ‘di nakalabas ng bahay dahil sa baha ang kapaligiran. Wala ring mga gadgets na dapat paglibangan dahil walang kuryente.

Sa GMA News TV lifestyle show na Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ay magbibigay ng payo kung  paano mawawala ang ‘yong pagkabagot sa panahong tila ka bilanggo sa sariling  tahanan.

“Humarap ka sa salamin at sipatin mo kung anu-anong make over ang maaaring gawin sa ‘yong mukha at pati sa ‘yong buhok. Magugulat ka sa bagong ikaw at matutuklasan mong kaya mong gawin ang make-up at hair style na dati’y sa mga salon mo lang natitikman dahil sa kaabalahan mo,” sabi ni Mader Ricky.

Magtuturo rin ang beauty guru ng mga sikreto ng pagyaman.  Sa panayam niya sa  isang dating magsasaka na ngayo’y asensado na matapos mag-aral sa IMG (International Marketing Group) at sa Cebuanang si Jessica Estorgio na gumapang sa hirap bago nagtagumpay ay tiyak na magkakaroon kayo ng pag-asa at masasabi n’yong … kung kaya nila’y kaya ko rin.

Naimbitahan si Mader sa isang kainan na sumikat dahil sa mga lutuing may sangkap na wonder gulay na Malunggay. “Di ko alam na bukod sa healthy ang pagkain ng maliliit na dahong ‘yon ay sumasarap din ang mga  putaheng  nilalahukan nito. Subukan ninyong lagyan ng malunggay ang inyong sinigang, nilaga, gulay na munggo, pakbet, tinolang manok, atpb,” sabi ni Mader RR.

Laging tutukan ang GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision tuwing Sabado alas nuwebe hanggang alas diyes ng umaga.

CEBUANANG

GANDANG RICKY REYES TODO

GLENDA

HUMARAP

INTERNATIONAL MARKETING GROUP

JESSICA ESTORGIO

MADER

MADER RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with