Atom, ituturo kung paano lalabanan ang karahasan sa loob ng tahanan
MANILA, Philippines - Kapag ang lambingan ng mag-asawa ay nauuwi na sa bugbugan, paano mo ito matatakasan? Iyan ang ipapakita ni Atom Araullo ngayon (July 25) sa Red Alert. Sa tulong ng Krav Maga experts, ibabahagi ni Atom ang ilang self-defense techniques na maaring gamitin ng biktima, lalo na ng mga kababaihan, para ipagtanggol ang sarili nila. Ituturo niya rin ang mga kagamitan sa bahay na pwedeng gamiting pandepensa. Bubusisiin din sa episode ang karanasan ni Bea na hindi lang tinutukan ng kanyang asawa ng icepick, ikinulong pa sa loob ng kwarto nang isang linggo. Dahil walang pinipiling lugar at panahon ang sakuna, dapat laging Red Alert. Panoorin ito tuwing Biyernes, 4:00 PM, sa ABS-CBN.
Magagawa mo bang ipakulong ang sarili mong anak?
Laging itinuturo ng mga magulang na ang ginawang kasalanan ay dapat pinagbabayaran.
Pero sa kuwento ng buhay ni Julita Relano, alam niyang hindi ito laging nasusunod. May mga taong naaapi nang walang magandang dahilan.
Gaya ng anak niyang si Allan, na dahil sa sakit na epilepsy ay pinahinto ng asawa niya sa pag-aaral. Ang anak niyang tinatawag na batugan, inutil, walang kuwenta.
Subalit may isang magagawa si Allan na hindi nila lahat inaasahan. Sawa na sa pagmamalupit ng ama, nagawa nitong mapatay ang sariling tatay. Sa gulat at takot sa nagawa, at para pagtakpan ang nagawa, sinubukan ni Allan sunugin ang ebidensiya—na siya namang kikitil sa buhay ng kapatid niya.
Aamin si Allan sa nagawa niyang mga krimen. Made-detain ito. Ngunit sino ang magsasampa sa kanya ng kaso? Ang mga natitirang kapatid? O ang kanyang ina mismong si Julita?
Pipiliin ni Julita gawin ang nararamdaman niyang tama, para sa kanya, para sa kanilang pamilya—pero ano ang magiging kapalit nito?
Itinatampok sina Ms. Lani Mercado bilang Julita at Alden Richards bilang Allan, kasama sina Arthur Solinap, Bettina Carlos, Lian Paz, at Mr. Al Tantay. Ang episode na ito na pinamagatang Isinakdal ko ang aking anak ay mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., sa panulat ni Evie Macapugay at sa pananaliksik ni Angel Lauño.
Alamin ang kahahantungan ng mga desisyong gagawin ni Julita—at kung pipiliin ba niya ang hustisya, o ang pagiging ina, ngayong Sabado ng gabi sa Magpakailanman, pagkatapos ng Marian sa GMA 7.
- Latest