Sylvia gustong maging in-law si Alex
Kamakailan ay inamin ni Arjo Atayde na mayroon siyang pagtingin kay Alex Gonzaga. Naging prangka rin naman si Alex sa pagsasabing ‘closed’ ang puso niya sa ngayon. Ayon sa ina ng aktor na si Sylvia Sanchez ay tinutukso raw nito ang anak mula nang malaman na may gusto si Arjo kay Alex. “Kinakantiyawan ko nga eh, sabi ko, ‘Oh ano? Wala, closed.” Sabi niya sa akin ‘O-open rin ‘yan!’ Si Arjo kapag may gusto ilalaban niya ‘yan. Grabe katiyaga na bata ‘yan,” nakangiting kwento ni Sylvia. Boto rin daw ang aktres kay Alex para sa kanyang anak. “Oo naman, boto naman ako kay Alex at saka ako, ang sinasabi ko sa anak ko ganito, kahit mahirap, kahit mayaman, kahit sikat, kahit hindi, kahit artista, kahit hindi. Basta mahal ka at may respeto sa pamilya ‘yung girlfriend mo at magiging asawa mo, tanggap ko ‘yun,” paliwanag ni Sylvia.
Hindi rin daw nakikialam ang aktres kay Arjo kung sino man ang napupusuan nito. “Basta sa akin, ang hinihingi ko sa kanilang lahat, kasundo namin ‘yung mga in-laws namin. Daughters-in-law namin, sons-in-law namin. Later on kasundo namin para maging masaya ang buhay namin. Sinasabi ko naman na dapat respectful ang makukuha nila, kahit si Arjo, kahit ibang mga anak ko palaging gano’n, basta mahal nila at mahal sila, at nakikita kong aalagaan sila,” giit ni Sylvia.
Cheska ibinibigay ang lahat para sa mga anak
Kababalik pa lamang ni Cheska Garcia mula sa bakasyon sa Singapore. Kasama ng aktres ang asawang si Dough Kramer at tatlong anak na sina Kendra, Scarlet, at Gavin sa nasabing trip.
“It’s a first for Gavin. It’s his first time to go out of the country. Although it’s not the first time for Kendra and Scarlet, but it’s the first time with their brother and their first time to go to Singapore. Watching their faces and everything that they saw there so irreplaceable,” nakangiting pagbabahagi ni Cheska.
Ang panganay na anak nilang si Kendra raw ang dahilan kung bakit nakapagbakasyon sila sa Singapore. “The trip was really more for the kids. It was for Kendra’s birthday. So there was no big party but she requested to go to Singapore,” pahayag ng aktres.
Sa susunod na bakasyon ng buong pamilya ni Cheska ay sa Japan naman daw nila gustong pumunta. “Everyone’s going there so we want to see what the big fuss is all about. Of course for the food, their culture is so rich with history and at the same time they also have a lot of stuff for kids. They have a building where you can role play, and I think it’s opening here in Manila. That’s one thing and they have other stuff that they offer also for kids,” pagtatapos ni Cheska. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest