^

PSN Showbiz

Aljur umangal sa komisyon kaya gustong lumayas sa GMA?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kaya pala may photos na magkasama sina Claudine Barretto at Aljur Abrenica ay ang abogado ng aktres na si Atty. Ferdie Topacio ang kinuha ni Aljur para makawala sa kontrata sa GMA 7.

Pero tama kaya ang decision ng aktor na kumawala sa Kapuso Network na nagbigay sa kanya ng break na magka-career? Sa 2017 pa matatapos ang kontrata niya sa GMA pero obviously, gusto na nitong magtrabaho sa iba.

Eh ‘di ba katatapos lang niyang gawin ang Kambal Sirena? ‘Yun nga lang lumabas siyang inapi si Kylie Padilla dahil nga, siya raw ang nakipag-split sa GF at naging GF si Louise delos Reyes.

Lilipat ba siya sa ABS-CBN?

May nagkuwento dati na nagrereklamo si Aljur dahil wala siyang endorsement. Kung nagkaroon man daw ito ng endorsement noon sa San Miguel, si Tito Boy Abunda diumano ang nakakuha na hindi naman kumuha ng commission. At ang kumuha pa raw noon ng commission ay ang GMA Artist Center kuwento noon ng isang source. At ang isa pa raw inaangal ng kampo ni Aljur ay ‘pag may show daw sa abroad, hindi raw ito puwedeng magsama ng kapamilya. Road manager pa raw from GMA.

At marami pang ibang kuwento ang source ko na reklamo diumano ni Aljur.

Saan naman kaya siya pupulutin ngayon, sa ABS-CBN? Kasing ganda kaya nang naging kapalaran nina Paulo Avelino at JC de Vera ang naghihintay sa kanya?

‘Yan ay kung ire-release siya ng GMA 7. Sino naman kasing network ang magbabayad ng contract niya if ever, eh hindi naman pang-award ang acting niya? Nilalait nga siya eh.
Actually, imbes na lumayas sana ay nakipag-negotiate na lang siya sa GMA na nagbigay sa kanya nang lahat ng exposure pero hindi naman masyadong tinanggap ng masa dahil nga sa acting niya.

Well, good luck to him.

The Expendables 3 pinagsama-sama uli ang mga bigatin, mas matindi ang pasabog

Isa itong bigating pelikula noong 2010. Mas tumindi pa noong 2012. At ngayon, ang Expendables movie franchise ay hindi pa rin paaawat sa pasabog ng mga naglalakihang artista!  Sa Expendables 3 nagbabalik ang explosive original cast na sina Sylvester Stallone, Jason Statham, Arnold Schwarzenegger, Jet Li, Dolph Lundgren, Randy Couture, at sasamahan pa ng kanilang kapwa iconic action heroes: Mel Gibson, Antonio Banderas, Wesley Snipes, at Harrison Ford!
Makakasama ng mga Hollywood heavyweights ang bagong henerasyon ng Expendables:  Kellan Lutz (Twilight at Hercules), Glenn Powell (The Dark Knight Rises), Mixed Martial Arts star Ronda Rousey, at welterweight boxing champion Victor Ortiz. 

Bihira ang pagkakataong magkasama-sama ang mga big stars sa isang pelikula.      

 Sa Expendables 3, makakaharap ng buong koponan nina Barney Ross (Stallone) at Lee Christmas (Statham) ang isang bagong kalaban na si Conrad Stonebanks (Gibson).  Si Stonebanks ang kasama ni Barney sa pagbuo ng grupong Expendables. Sa buong akala ni Barney napatay niya na si Stonebanks nang lumihis ito ng landas at nakibahagi sa pagbebenta ng armas. Ngunit buhay nga ang kanyang dating kasangga at nagbabalik upang tapusin ang Expendables.

Bilang paghahanda, kumuha si Barney ng ilang batang miyembro, pati na rin ang malupit na mga mandirigmang sina Galgo (Banderas) at Doc (Snipes).  Maghaharap ang classic old-school style at high-tech expertise sa labanang ito. 

Sa tanong kung paano niya na-develop ang kanyang papel bilang kontrabida, pabirong sumagot si Mel Gibson na hindi niya inisip na siya ang “bad guy”.  Aniya, “Those guys are the bad guys and I’m the good guy, you have to look at it that way.” Nang mag-seryoso, sinabi ni Gibson na naging open si Stallone at ang kanilang direktor sa kanyang mga ideya.

Sinabi rin ni Stallone na hinango ni Gibson ang kanyang karakter sa isang tunay na tao.  

 Pinuri ni Harrison Ford ang husay ng pagkwento ng pelikula.  Siya ay gumaganap bilang Max Drummer, isang authority figure sa buhay ni Barney.  Binahagi ni Ford na sa original script ay wala pa s­iyang ideya na piloto rin ang kanyang karakter, kaya naman sinabi ni Stallone na gumawa sila ng adjustment para ilabas din ang galing ni Ford bilang piloto.

Binahagi ni Banderas ang sobrang kaligayahan na mapabilang sa mga bida dahil noong dumating siya sa Los Angeles, 23 taon na ang nakalilipas ay sinabihan siyang puro kontrabida lang ang kanyang magagampanan dahil sa kanyang Spanish accent.

Para namang nanalo sa sweepstakes ang nararamdaman ng mga batang Expendables. “Like the greatest action movie sweepstakes ever where I get to shoot guns with all of my favorite heroes,” ayon kay Powell.  

Ayon kay Schwarzenegger na isa siyang “big fan of action movies” ay mahalaga na hindi lang puro action, dapat ay may magandang kwento ang pelikula.  “And I think this is what makes Expendables a great movie and a great franchise,” ang kanyang pagmamalaki.

 Sabi naman ni Stallone, “You want the audience to feel that there is real jeopardy.”  At ‘yan ang maaasahan mula sa Expendables 3. 

 ‘Wag palalampasin at alamin kung bakit nga kakaiba ang The Expendables 3!  Palabas na sa August 14, 2014 mula sa Viva International Pictures at MVP Entertainment Philippines.

Rhian Ramos nag-iiba ang pakiramdam ‘pag nangangarera

Bukod sa kanyang mahusay na pagganap bilang Joy sa Kapuso primetime drama series na My Destiny, sasabak na si Rhian Ramos sa isang racing event na gaganapin ngayon at bukas, Hulyo 25-26 sa Clark International Speedway.

Isa si Rhian sa mga celebrities na lalahok sa nasabing racing event. Bagama’t mas kilala siya bilang aktres, itinuturing ni Rhian ang car racing bilang isa sa kanyang mga passion, “Kasi ‘pag race na mismo, iba ‘yung feeling, parang lumalabas ang pagiging competitive ko, na I didn’t know I had because I didn’t think I was a competitive person before.

“And when I finally got into it, I was so excited when I was preparing for my first race last year. But on the race day itself, it was a completely different feeling. It felt like the whole world disappeared. And the only thing that mattered in my life was the track and the car in front of me,” dagdag pa niya.

Samantala sa My Destiny, todo-bantay pa rin kay Joy sa ospital sina Agnes (Lorna Tolentino) at Arnold (Al Tantay). Masayang masaya naman si Joy dahil palagi siyang tinetext ni Mr. Trustwothy. Makikipagkita na kaya si Joy kay Mr. Trustworthy? Paano kapag nalaman ni Joy na pakana lamang iyon  ni Felix (Marc Acueza)?

Mapapanood ang My Destiny gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Niño sa GMA Telebabad.                                                                             

ALJUR

EXPENDABLES

HARRISON FORD

KANYANG

MEL GIBSON

MY DESTINY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with