John hindi mabanggit ang pangalan ni Derek kahit nagpo-promote ng movie nila
PIK: Proud ang GMA Artists Center sa mga talents nila na may partisipasyon sa nalalapit na Cinemalaya X na magsisimula sa August 1.
Isa na rito si Rocco Nacino na puring-puri sa ginampanan niyang role bilang abogado ni Nora Aunor na bida sa entry ni Joel Lamangan na Hustisya.
Kasama rin ni Rocco sa Hustisya sina Chynna Ortaleza at Jeric Gonzales.
Ilan pa sa mga taga-GMAAC na may entry sa Cinemalaya ay sina Elmo Magalona sa #Y (Hash tag Y), Barbie Forteza sa Mariquina, Julian Trono sa Ronda, Martin del Rosario sa Dagitab, Enzo Pineda sa Sundalong Kanin at si LJ Reyes sa The Janitor.
PAK: Nag-promote si John Estrada ng pelikulang Trophy Wife sa Aquino and Abunda Tonight kamakalawa ng gabi, at ang weird pakinggan na hindi mabanggit ni John ang pangalan ni Derek Ramsay na kasama sa naturang pelikula. Pabiro lang niyang sinasabing ang nali-link kay Kris Aquino.
Ikinalulungkot ito ni Derek na hanggang ngayon ay ganun pa rin ang trato sa kanya ng ABS-CBN.
Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, sana makausap daw niya ang mga dating bosses para makipag-ayos at kalimutan na ang sama ng loob.
Aniya: “Sana magkaayos-ayos kaming lahat, at sana puwede kaming mag-usap, para matapos na.
“From my end, I do not have any anger or hatred with ABS-CBN. I would like to say it again, I have so much respect with Channel 2.
“I made the decision together with my family on what they felt was best para sa akin, what was best para sa career ko.
“I decided to go in a smaller network, and ABS-CBN is still the number one network. Channel 5 is a network trying to get to where they are.
“For me, I feel proud na nakakatulong ako sa isang maliit na network to grow.”
Mabigat man tanggapin, pero kailangang pagkasyahin na lang ni Derek kung saan siya puwedeng makapag-promote ng Trophy Wife hanggang sa showing nito sa July 30.
BOOM: Nadismaya ang fans ng NBA dahil sa hindi natuloy ang exhibition game nito sa Gilas.
Ang narinig namin, ayaw pala ng NBA stars na makalaro ang Gilas at hindi ito naayos ng event organizer.
Hindi pa raw nakakuha ng permit ang event organizer kaya parang nag-practice na lang sila.
Umalma raw ang mga dumating at nagdi-demand silang ibalik ang ibinayad sa ticket na napakamahal pa naman daw.
- Latest