^

PSN Showbiz

Pakikiramay sa pagluluksa ni Gob. Vi…

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakikiramay ako kay Gob. Vilma Santos sa pag­panaw ng kanyang confidante at chief accoun­tant na si Aida Fandialan. Napakatagal at haba ng kanilang pinagsamahan kung kaya parang pamilya na rin  niya ito. Nasa London ang gobernadora nang makarating sa kanya ang balita na na-stroke ito.

Muli, ang aking pakikiramay.

Erik at Angeline totohanan daw ang nararamdaman

Sana nga magtagal ang magandang relasyon ngayon nina Erik Santos at Angeline Quinto bilang magdyowa. Marami ang nag-aakalang gimik lang ang relasyon nila o biruan lang, pero ang da­lawa na ang nagsasabi na totohanan ito at dasal nila ay magtagal ang kanilang relasyon dahil sa ngayon, masaya sila sa kanilang pagiging mag-on.

Oo nga naman. Kung masaya kayo, walang karapatan ang sinuman na pagdudahan kayo. Kayo lamang ang makapagsa­sabi kung hanggan kailan kayo magtatagal, pero ako man ay kasama n’yo sa pagdarasal na sana kayo na nga.

Jodi at PaMPi magkasundung-magkasundo

Nakapagtataka ba kung in good terms sina Jodi  Sta. Maria at ang ex niyang si Pampi Lacson? Kayo naman, meron silang isang anak na  magbubuklod sa kanila habang buhay. Ayaw man nilang mag-usap ay wala silang magagawa kundi ang gawin ito dahil kailangang silang dalawa ang magpalaki sa anak nila kahit hiwalay na sila at may kanya-kanya nang buhay.

Kakaunti lang naman yata ‘yung dating mag-asawa na nagkanya-kanya na at hindi nagpapansian kahit may mga anak. Sa mga anak ng mga ex-couple na ito ako naaawa dahil makasarili ang mga magulang nila! But with Jodi and Pampi, okay na sila. Kaya okay din ang anak nila. Katunayan, inimbita ni Jodi sa thanksgiving concert ng Be Careful With My Heart ang ama ng kanyang anak. Sana pumunta ito, at sana isama na rin niya ang pamilya niya para makita ng lahat na okay na okay na okay na talaga sila.

AIDA FANDIALAN

ANGELINE QUINTO

BE CAREFUL WITH MY HEART

ERIK SANTOS

JODI

JODI AND PAMPI

NASA LONDON

PAMPI LACSON

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with