Mga namatay sa MH17 nilo-loot daw ang mga gamit
MANILA, Philippines - Hindi lang naman pala dito sa atin uso ang looting. Malinaw pa sa alala nating lahat ang nangyari sa Tacloban nang limasin ng mga tao ang isang mall matapos ang bagyong Yolanda na nagwasak sa nasabing lugar. Ganito raw ang nangyayari sa mga kawawang namatay sa MH17 na nababalitang nagkakaroon ng looting sa crash site sa Ukraine kung saan kasama sa 298 na passenger ang mag-iinang Pinoy at kasama ang head of the family nila na isang Indonesian.
Ayon sa report ng CNN.com inaakusahan ng Ukraine ang mga rebelde ng paglo-loot ng mga alahas, credit cards at pera ng mga pasahero ng eroplano na sinasabing napabagsak ng missile.
Pero nang puntahan naman daw CNN crew nung sinasabing oras na nagkakaroon looting, hindi naman umano nakita nang kahit anong signs na nagkakaroon ng nakawan sa lugar na pinagbagsakan ng Malaysia Airlines Flight 17.
Diyosko naman. Sana nga ay walang ganitong nangyayari.
Ser Chief at Maya lumi-level kina Kathniel
Magkakaroon ng grand launch sa ASAP 19 ang pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na Hawak Kamay na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Nikki Gil, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Andrea Brillantes, Yesha Camile, at Iza Calzado.
Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang The Voice Kids semi-finalists na sina Darlene Vibares at Tonton Cabiles ng Team Lea, Juan Karlos Labajo at Edray Teodoro ng Team Bamboo, at Darren Espanto at Lyca Gairanod ng Team Sarah.
Back-to-back kilig treats din ang dapat abangan ng ASAP 19 viewers sa center stage sa espesyal na production number ng She’s Dating The Gangster lead stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at sa must-see patikim nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria para sa upcoming concert nilang I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving.
Samantala, world-class talent naman ang muling ibibida sa makatindig-balahibong musical performance ng ‘90s OPM idols na sina Lloyd Umali at Viktoria kasama sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Erik Santos, Juris, Richard Poon, at KZ Tandingan. Ito ay susundan ng kaabang-abang na rock concert treat mula sa OPM icon na si Bamboo; makalaglag-pangang vocal act ng ASAP Homegrown Divas na sina Angeline Quinto, Morisette Amon, at Klarisse de Guzman; at ng grand album launch ni Princess kasama sina Yeng Constantino, Zia Quizon, Paolo Valenciano, at Tutti Caringal.
Abangan din ang makapigil-hiningang Supahdance showcase na inihanda nina Kim Chiu, Maja Salvador, Gab Valenciano, Sam Concepcion, Iya Villania, at Gerald Anderson; at ang lumalagablab na showdown nina Shaina Magdayao, Enchong Dee, Enrique Gil, Rayver Cruz, Bugoy Cariño, at Nhikzy Calma.
Pampapaputi at pampapayat na-master na ng Belo
Ang tungkol sa Rhinoplasty at Belo Lumina ang ibabahagi ni Dr. Vicki Belo sa pang-umagang medical program na Salamat Dok ngayong Linggo.
Magsasagawa ng live discussion si Dr. Belo sa dalawang nabanggit na treatment at magkakaroon pa ng live demonstration ng Vitamin Infusion with Glutathione.
Ang Gluta ang isa sa binabalik-balikan dahil nakikita agad ng pasyente ang epekto nito. Ito kasi ang karaniwang gusto ng marami, ang pumuti. Kaya naglaan ng maraming taon ang Belo clinic para mag-develop ng advanced skin whitening system that works fast, safe and effective. At dito nga ipinanganak ang Belo Lumina.
The system addresses the pigmentation problem from many directions: 1. Decreases the formation of melanin (cell responsible for skin darkening),
2. Gets rid of melanin that’s already in the skin, 3. Inhibits the transfer of melanin to the top layer of skin decreasing skin darkening. Ang treatment ay binubuo ng mga sumusunod : body scrub twice a week followed by skin illuminating cream; wet and dry dermabrasion with the application of a mild skin peeling agent Beta HD and the Active 4 whitening system - IV glutathione twice a week and IV multivitamins to act as co enzymes. At home, the patient needs to take 2 tablets of Glutanac daily; and apply Belo Radiance and Belo Illuminate creams.
Para naman sa Rhinoplasty procedure, Dr. Belo holds a very informative discussion of the procedure with one of her patients Nurse Annie Balalio. Ang Advance Framework Rhinoplasty is approached structurally in its bones and cartilages through osteotomy, septoplasty and grafts. In this procedure, Goretex implants are ideally used for bridge augmentation.
Pag-uusapan din sa programa ang Belo Herbal Diet Pills, a prescription-only supplement that uses almost 100% plant-derived ingredients. A highly- efficient cocktail of bitter melon (ampalaya), chili and gingko biloba – with shrimp-derived chitosan and Vitamin B complex to round it out. It helps the patient with increasing metabolism; burning fat; and suppressing appetite. It also increases blood circulation and helps carbohydrates turn into energy without the common side-effects associated with caffeine-centric pills such as heart palpitations and agitation.
Huh sana rin ay banggitin nila sa programa kung magkano ang bayad sa mga nabanggit na treatment.
- Latest