Pinoy pinakita na naman ang katatagan
May bagyo na naman. Kaaalis-alis lang ni Glenda, heto agad si Henry.
Ang ikinatutuwa ko lang sa mga ganitong kalamidad ay lumalabas na naman ang kabutihan at katatagan ng mga Pilipino.
Pagkatapos na pagkatapos lamang ng bagyo ay heto ang mga nawalan ng bahay at mga gamit, kumakaway pa kapag dinadaanan ng kamera ng TV.
Sana naman ‘yung mga may kakayahang pakainin ang mga sarili nila ay gawin ito at huwag nang maghintay pa ng rasyon.
Libreng matutuluyan lang ang kailangan nila pero, hindi naman sila kasing miserable ng maraming nabiktima ni Glenda.
Kris hindi kering mag-isa ang AAT
Mag-isa si Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight. Keri naman niya ang show kahit wala ang partner niya, ‘yun nga lamang mas maganda at lively ang show with Boy Abunda around.
‘Yung talk show ay kering-keri ni Kris pero ‘yung public affairs o may halong news kailangan niya ng ka-partner na tulad ni Boy.
Labanan ng kulay…
Magiging labanan ng ribbon ang isyu sa Disbursement Acceleration Program o DAP.
Nanghihingi ng suporta si P-Noy sa kanyang mga tagasunod sa pamamagitan ng pagsusuot ng yellow ribbon.
Tatapatan naman ito ng mga supporters ng Supreme Court na itim na ribbon ang ipasusuot sa kanilang mga supporters. Pula naman ang laso na gagamitin ng mga militante.
Labanan ito ng kulay ng ribbon.
- Latest