Magpakailanman ni Louise na na-MTRCB, hindi napalabas last week
MANILA, Philippines - Matagal nang inaabangan ng mga fans ni Louise delos Reyes ang muling paglabas ng dalaga sa Magpakailanman—ngunit muntik pa itong maudlot nang makarating sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang tema ng kuwento na ginampanan ng young star.
Mula sa Kambal Sirena, isang kakaiba at kinatatakutang pag-ibig naman ang pinamalas ni Louise sa kanyang papel bilang dalagang na-in love at nabuntis ng sariling ama.
Ngayong Sabado, makakatambal ni Louise sa unang pagkakataon ang premyadong aktor na si Ricky Davao, para sa kuwento ng pagmamahalan na dudurog sa puso ng mga manonood.
Bibida si Louise bilang Kim, isang dalagang kinulang sa pagmamahal. Nagrebelde at napasama sa masasamang barkada, walang kinilalang authority figure si Kim, hanggang sa makilala niya si Mang Orly (Ricky Davao).
Kasama rin sina Mel Kimura, Reese Tayag, at Bryan Benedict, with the special participation of Phytos Ramirez.
Mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., sa panulat ni Michiko Yamamoto at sa pananaliksik ni Loi Argel Nova, alamin kung bakit nag-desisyon ang MTRCB na ipatuloy ang pagpapalabas sa pinaka-kontrobersyal na episode ng Magpakailanman – Ama Ko, Mahal Ko ngayong Sabado, July 19, pagkatapos ng Marian sa GMA7.
Noong last Saturday sana ito eere.
- Latest