^

PSN Showbiz

Mga nagtagumpay sa sariling pagsisikap tsinika ni mader

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May isang cardiologist ang nagsabing habang tumitibok ang puso’y may pag-asang gumaling ang pasyente.  Sabi naman ng isang ophthalmologist, habang may liwanag kang naaaninag ay maaaring maremedyuhan ang ‘yong pagkabulag.

Tila ganito ang  karanasan ng tatlong panauhin ni Mader Ricky Reyes sa kanyang pang-Sabadong programa sa GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) handog ng ScriptoVision at napapanood mula alas-nuwebe  hanggang alas diyes ng umaga.

Nangarap at nagsikap ang isang dati’y tauhan ng isang fast food sa isang mall.  Ngayo’y proprietor na siya ng isang kainan sa A Square Mall sa Anonas Road, Quezon City na tinawag niyang Juan Stop Inasal.  

Marami siyang suking estudyante at empleyado sa mga kalapit na paaralan at establisamento.  Tiyaga, pagsisikap at kasipagan.  Ito raw ang formulang ginamit ng ngayo’y matagumpay na negosyante.

Tampok din si Paulo na nagtapat kay Mader na ang hilig at pangongolekta niya ng iba-ibang gadgets ang naging inspirasyon niya para magbukas ng tindahang Gadget Angel.  Kung may kailangan kang kasangkapan, tiyak na mayroon nito sa tindahan ni Paulo. 

 Dati’y domestic helper ang ikatlong iinterbyuhin ni Mader.  Nagtipid siya at sininop ang kinita.  Nagsimula siya ng isang maliit na negosyo.  Ngayo’y chief executive officer na siya ng sariling kumpanya.

Samantala’y tuloy ang make over magic sa mahigit 40 Ricky Reyes Salon sa buong Pilipinas.  Lunas sa mga nakakalbo o numinipis ang buhok ang mga pelukang gawa sa human hair. Sabi nga, kung gusto mong gumanda o masilayan ang “bagong ikaw” hayaan n’yong lunasan ito ni Mader.

                                            

A SQUARE MALL

ANONAS ROAD

GADGET ANGEL

GANDANG RICKY REYES TODO

ISANG

JUAN STOP INASAL

MADER

MADER RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with