^

PSN Showbiz

Sino ang may balat sa puwet? Unang araw sa sinehan ng pelikula nina Daniel at Kathryn, binagyo!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaking hamon para sa Kathniel fans na sumugod kahapon sa mga sinehan para suportahan ang kanilang idolo sa movie nilang She’s Dating the Gangster. Umaga pa lang kasi ay kasagsagan na ng pananalasa ng bagyong si Glenda sa Metro Manila kaya naman nakakatakot lumabas ng bahay, huh!

Biro ng isang kaibigang writer, “Sino kaya kina Kathryn at Daniel ang may balat sa puwet? Ha! Ha! Ha!”

Dinagsa man ang premiere night ng movie nu’ng Martes, iba pa rin siyempre ‘yung susugod ang fans ng dalawa sa sinehan na magbabayad sila. Eh, wala namang pasok kahapon kaya puwedeng-puwede silang manood. Unless pigilan sila ng kanilang magulang na lumayas ng bahay, huh! Kapag ganoon, mababawasan ang makakanood kina Kath at DJ!

Kaya naman kayong fans nina Daniel at Kathryn, patunayang hindi lang pagtili ang alam ninyong gawin sa mga idolo ninyo, huh! Sumugod kayong lahat sa sinehan para patunayan hindi hanggang sigaw, tili, at palakpak lang ang puwede ninyong ibigay sa inyong mga idolo!

May extra serbis pa! Laos na bold actor, bargain na ang presyo

Pinagtsitsismisan ng mga bading sa social media ang isang sumikat na bold actor. Hindi na masyadong aktibo sa movies at TV ang hubadero.

Nu’ng sumikat daw kasi ang bold actor, ang hirap daw niyang mai-book. Kapag naibuking naman daw that time, mahal ang sinisingil kahit na nga ku­malat ang balita na reggie (regular, sapat, medium) lang ang sandata niya.

Eh, nang matapos na ang era ng bold movies at hindi na masyadong nakaka-jackpot ng lead roles ang bold actor, aba, nag-iba na raw ang ikot ng mundo.

Ayon sa mga bading, nagbaba na raw ng presyo ang bold actor. Tapos, may extra service pa siyang ginagawa sa kliyente niya, huh!  Kaya naman kahit reggie lang ang kargada nito, wagas na wagas na sa mga bading ang dagdag na serbisyong ginagawa sa kanila ng bold actor, huh!

So kahit nagpapadagdag daw ng paysung ang hubadero, gibsung na lang ang mga nag-book sa kanya dahil super, super daw sa “pagkanta” ang bold actor!

Bahay nina Regine pinasok ng tubig

Nganga sa hanapbuhay ang dulot ng bagyong Glenda sa amin kahapon and for sure, gayundin sa ibang tao at artistang naka-schedule mag-taping ng kanilang programa. Wala ring kuryente kaya naman sa social media kami nakatutok sa pinsala na resulta ng bagyo.

Gabi pa lang ng Martes ay tutok na si Vice Mayor Isko Moreno sa ilang lugar sa Tondo. Ayon naman kay Manila Mayor Joseph Estrada, walang casualties na naitala sa siyudad.

Plano sanang mag-live ng Eat Bulaga kahapon. Pero wala raw writers na dumating kaya nag-replay na lang ang programa.

Base sa mga tweets at Instagram na aming nakita, all over Metro Manila ang pinsala ng bagyo. May malls na natanggal ang kisame, pinasok ng tubig ang bahay nila Regine Velasquez, baha sa ilang lugar, at maraming puno at poste ang natumba!

Pasalamat pa rin tayo at dumaan lang si Glenda sa Kamaynilaan. Eh, nang bumaba ito sa Legaspi, Albay, naging handa naman ang Governor nilang si Joey Salceda sa mga dapat gawin tuwing may disaster.

Let’s hope and pray na tuluyan nang lumabas ng bansa ang bagyong Glenda dahil maiibsan na ang takot na ating nadarama at makakapagtrabaho na tayo nang matiwasay!

ACTOR

AYON

BOLD

DATING THE GANGSTER

GLENDA

LANG

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with