^

PSN Showbiz

Papa Joey kinabog si P-Noy?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dusa talaga kapag nasa ibang bansa ka at mababalitaan mo na may malakas na bagyo na humagupit sa Pilipinas.

Hindi ako makatawag sa landline sa bahay namin dahil out of order ang mga linya ng telepono. Mabuti na lang, reliable ang Smart line mobile phone ko dahil nakakatanggap pa rin ako ng mga text message.

Clueless tuloy ako sa mga nangyari sa pet dogs ko at sa aking mga kasamahan sa bahay.

Nabalitaan ko rin na naputol ang supply ng tubig. Parang wasak na wasak ang Pilipinas sa mga video footage na ipinapakita sa cable news.

Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang magdasal na ligtas ang mga kababayan natin?

Nadagdagan na naman ang paghanga ko kay Albay Governor Joey Salceda na agad na nagdeklara ng state of calamity sa probinsiya na nasasakupan niya. Natalbugan pa ni Papa Joey si P-Noy ha!

Detractors ni P-NoY ginamit ang bagyong Glenda

Hindi naman makatotohanan ang sinasabi ng detractors ni P-Noy na may kinalaman sa pagtatanggol niya sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at sa kanyang hamon sa Supreme Court ang galit na pinakawalan ng typhoon Glenda.

Puwedeng nagkataon lamang ang lahat na nanalanta ang bagyong Glenda sa ating bansa, isang araw matapos ang makasaysayan na depensa ni P-Noy sa DAP.

Lorna hirap makagawa ng tulog

Kesa mairita ako dahil hindi ako makatawag sa landline namin, natulog na lang ako nang natulog.

Inggit na inggit nga sa akin si Lorna Tolentino dahil mabilis ako na gumawa ng tulog. Ano naman kasi ang gagawin ko sa hotel na tinutuluyan namin maliban sa panonood ng TV? Eh ‘di matulog para fully recharged ang katawan ko!

Showbiz napilayan

Alam ko na maraming presscon ang nakansela kahapon dahil sa mga text message na natanggap ko.

Inimbitahan ako sa mga presscon pero maya-maya, nakatanggap uli ako ng advise na postponed ang presscon dahil sa typhoon Glenda.

See, apektado rin ng Glenda ang showbiz! I’m sure, kanselado rin ang tapings ng mga teleserye dahil sa perwisyo na idinulot ng bagyong Glenda. Every M-W-F pa naman ang tapings ng mga primetime teleserye ng mga TV network.

Direk Gina natapos na ang misyon sa paghahanap ng mga yagit

Natapos na ang nationwide auditions ng GMA 7 para sa mga bagong child actor na magbibida sa remake ng Mga Batang Yagit.

Magsisimula nang mag-taping ang mga lucky bagets na ipakikilala sa Yagit at ipalalabas sa GMA 7 simula sa September.

Hintayin natin kung magiging movie stars din sila tulad ng nangyari sa mga original star ng Mga Batang Yagit na naging contract stars pa noon ng Viva Films.

Si Gina Alajar ang direktor ng Yagit kaya siya rin ang namahala sa nationwide auditions at pumili sa mga bagets na karapat-dapat na bigyan ng big break sa TV.

vuukle comment

AKO

ALBAY GOVERNOR

ANO

DAHIL

GLENDA

MGA BATANG YAGIT

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with