^

PSN Showbiz

Ellen Adarna sawa nang rumampa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagtaka kung bakit hindi nakasali si Ellen Adarna sa mga babaeng rumampa noong isang linggo para sa FHM 100 Sexiest party. Dumalo naman daw ang aktres sa nasabing event pero hindi talaga siya sumali sa programa. “Nandoon ako para sumuport sa FHM at saka kay Beauty (Gonzales),” bungad ni Ellen.

Kasamahan ng aktres sa tele­seryeng Moon of Desire si Beauty kaya sinuportahan niya ito. “Three years straight na akong rumampa and then ano rin, before the show, before nitong FHM ‘yung trip ko to Japan, supposedly one week. Tapos na-shorten lang dahil may taping ako. So hindi rin talaga. If ever walang Moon of Desire taping, nandoon pa rin ako sa Japan. So I won’t be able to make it still,” paliwanag ng dalaga.

Kasama rin ni Ellen na pumunta sa nasabing event ang kanyang kasintahan.

 

Nikki ayaw nang alalahanin ang mga ginawa ni Billy

Masayang-masaya si Nikki Gil sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. Isang non-showbiz guy daw ang nakikipag-date sa da­laga sa loob ng ilang buwang nagdaan. Matatandaang si Billy Crawford ang huling naging kasintahan ni Nikki at isang taon na ang nakalipas mula nang magkahiwalay ang dalawa. Wala na raw pait o sakit na nararamdaman si Nikki mula sa mara­ming taon nilang naging relasyon ni Billy dahil naka-move-on na siya. “For me, closure is to stop talking about it. I appreciate how sometimes people, hindi na nila masyado inuungkat although alam kong gusto nilang ungkatin. Kasi ‘yun talaga ang nakakatulong to get past it,” nakangiting pahayag ni Nikki.

Natutunan daw ng aktres na piliin lamang ang mga taong pagkakatiwalaan noong panahon na mayroon siyang pinagdaraanan. “That’s the grace of God in all of this. People just deal with challenges like this in different ways. I just chose not to dwell on it and maybe not open windows for many other interpretations. Kasi at the end of the day, ako naman ‘yung nagdaan do’n eh. Ako naman ‘yung nag-struggle with it, so it’s only fair na i-keep ko na lang siya to myself,” paliwanag ni Nikki.

Malaking bagay daw ang pananampalataya ng aktres sa Panginoon sa lahat ng kanyang mga suliranin.  “Because you’re going to need God’s help to restore your heart. He’s the only one who can restore you back to the original state your heart was in. I really appreciate those who are concerned, pero nakaisang taon na rin tayo in fairness. So siguro that’s enough time for me to have healed and okay na ‘yun. ‘Pag iniisip ko nga, parang ang tagal na rin ano, ang layo na and gano’n talaga ang buhay. You move on from things like this and it will feel like it never happened sometimes,” giit ni Nikki. 

-Reports from JAMES C. CANTOS

BILLY CRAWFORD

DUMALO

ELLEN ADARNA

GONZALES

KASI

MOON OF DESIRE

NIKKI

NIKKI GIL

SO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with