^

PSN Showbiz

Dumayo uli sa Germany para magpa-stem cell ‘kalusugan ang iniisip namin ni LT at hindi pagpapaganda’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Updated kami ni Lorna Tolentino sa mga nangyayari sa bansa natin, kahit nasa Germany kami para sa aming fresh stem cell therapy.

Alam namin na Glenda ang pangalan ng ma­lakas na bagyo na nanalanta sa ating bansa.

Alam namin ang naging reaksyon ng mga Pinoy sa mga pahayag ni P-Noy tungkol sa DAP at lalong alam ni LT ang feedback sa My Destiny, ang teleserye niya sa GMA 7.

Mabuti na lang, dala ni LT ang kanyang mga gadget kaya panay ang check nila ng mga anak niya sa Instagram, Twitter, at Facebook.

Hindi namin inililihim ni LT ang dahilan ng aming pagpunta sa Germany. Siya pa nga ang nag-post sa Facebook ng magandang hotel na tinutuluyan namin, ang Hotel Luitpold sa Edenkoben, Germany. Napakaganda ng Hotel Luitpold dahil very relaxing ang environment. Napaliligiran ng maraming puno at halaman ang hotel kaya sariwang-sariwa ang hangin na nalalanghap namin.

Second time na namin ni LT sa Edenkoben dahil dito rin ginawa ang aming unang stem cell therapy noong 2012. Si Dr. Robert Janson Muller ang mahusay na stem cell doctor na nagturok sa amin ng live cells. Hindi na ako afraid sa second time fresh stem cell therapy namin dahil naranasan ko na ito at alam ko na ang epekto.

Siyempre, sumailalim muna kami sa blood works, detoxification, at kung anu-ano pa bilang paghahanda sa procedure na ginawa sa amin.

Pareho kami ng katwiran ni LT. Hindi kami nag-second thought na subukan uli sa pangalawang pagkakataon ang fresh stem cell therapy para sa aming kalusugan, hindi para maging bagets ang hitsura namin.

Hindi ko naman pinangarap na maging kasingbata o kasing-liit ni Ryzza Mae Dizon ang hitsura ko ‘no!

 

Mga artista naperwisyo rin ng bagyo

Dahil may bagyo sa Luzon at apektado ang Metro Manila, may mga nakansela na trabaho ang mga artista. Nagkaroon tuloy sila ng oras para mag-tweet ng stay safe everyone, huwag lumabas ng bahay at kung anik-anik pa. Suspendido kahapon ang mga klase sa Metro Manila at marami ang nag-suggest na suspendihin din ngayon ang klase dahil sa after effect ng typhoon Glenda.

 

Most Beautiful pinagtatalunan ng fans

Malapit nang ilabas ng YES! Magazine ang kanilang Most Beautiful issue.

Naging tradisyon na ng YES! staff na maglabas ng listahan ng most beautiful celebrity.

Secret pa kung sino ang napili ng staff bilang cover girl/boy. Ayaw nilang sabihin ang sagot hangga’t hindi lumalabas ang August issue ng YES!

Isang bonggang press conference ang inihahanda ng YES! team para sa announcement ng kanilang Most Beautiful people.

Ginagawang isyu ng fans ang napipili na ilagay as in pinagtatalunan nila kung Kapuso o Kapamilya star ang nakabalandra sa cover ng YES!

 

Rochelle Barrameda binulabog sina Arnold at Julius

Hiningi pala ni Rochelle Barrameda ang tulong ng lahat ng broadcast journalist para iparating ang hinaing nila ng kanyang pamilya tungkol sa patuloy na confinement sa Philippine Heart Center ni Atty. Manuel Jimenez, Jr., isa sa mga suspect sa pagpatay kay Ruby Rose na younger sister ni Rochelle.

Kinalampag ni Rochelle sina Arnold Clavio, Julius Babao, at ang ibang mga broadcast journalist para maiparating sa mga kinauukulan ang kanilang reklamo.  Five years nang naka-confine sa Heart Center si Atty. Jimenez at ito ang gustong paimbestigahan ni Rochelle sa proper authorities.

ALAM

ARNOLD CLAVIO

CENTER

HOTEL LUITPOLD

METRO MANILA

MOST BEAUTIFUL

NAMIN

ROCHELLE BARRAMEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with