Mga ibang pakinabang ng asin at itlog pag-uusapan sa Basta Happy…
MANILA, Philippines - Isang masarap at interesting episode na magpapakilala ng tatlong super-gulay sa mga manonood ang hatid ng Basta Every Day Happy ngayong Martes (Hulyo 15).
Kasama ng Kapuso actress na si Andrea Torres, alamin ang kakaibang sustansyang taglay ng camote (sweet potato), saluyot, at alugbati. Super-gulay dahil ordinaryong nakikita sa palengke at madaling itanim pero MMM (masarap, mura, at masustansya).
Bukod sa topic na nutritional value ng super-gulay, magpapaandar din ang mga hosts ng mga creative ways to cook these super-gulay. Si Chef Boy Logro ay magluluto ng Camote Churros with Chocolate, Strawberry and Powdered Sugar Dips. Sina Gladys Reyes at Alessandra De Rossi naman, ibibida ang Super-Lutong o Crispy Alugbati with Calamansi Vinaigrette. Si Donita Rose, Saluyot Spread ang ihahanda na sing-sarap pero hindi sing-mahal ng basil pesto.
Makisaya sa masarap na kuwentuhang hatid ng Basta Every Day Happy ngayong Martes, 11:00 AM sa GMA 7.
Sa Miyerkules (Hulyo 16), samahan naman sila sa isang umagang puno ng egg-citement dahil sa egg-ceptional recipes na ituturo ni Chef Boy Logro.
Matututo ang mga mommies kung paano gagawing egg-citing ang isang simpleng egg dish. At hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi maraming paraan ng pagluluto sa itlog ang matututunan ninyo.
Matutunghayan din natin ang kuwento ng isang pamilyang nabubuhay sa pagtitinda ng itlog at ang inspiring story ng isang dating balot vendor na ngayon ay big-time na.
For the live episode of Basta Every Day Happy ngayong Huwebes (Hulyo 17), malalaman ninyo ang latest happenings sa lahat ng aspeto ng buhay.
Ano nga ba ang nagyayari sa paligid natin ngayon? Ano na ang mga latest gadgets at hottest chismis sa bawat kanto?
Palitan ng opinyon, haka-haka, at komento sa mga pinakamaiinit na balita, pati ang viewers pwedeng makisali sa usapang ito ngayong Huwebes live sa GMA 7.
At sa Biyernes, bibida naman ang asin sa masayang episode ng programa. Sa araw-araw na pagluluto, hindi mawawala ang asin para magbigay ng lasa sa ating pagkain. Pero maliban dito, meron pang ibang gamit ang asin.
Ituturo ni Gladys Reyes ang ilang practical at hindi mo aakalaing gamit ng asin katulad ng do-it-yourself mouthwash, quick fix para sa mapait na kape (brewed coffee) para hindi agad masira ang gatas, at gamot para sa sore throat at pangangati.
Samantala, nakakatulong din ang asin sa pag-alis ng ating dead skin at sa blood circulation kaya nakapagpapakinis ito ng ating balat. Kaya naman ituturo ni Alessandra De Rossi ang paggawa ng napakamurang salt scrub gamit ang napakamurang table salt in six easy steps na pwedeng gamitin para magkaroon ng kakaibang radiance at smoothness ang ating skin.
Si Chef Boy Logro naman ay magluluto ng kanyang pinakabagong recipe – ang Baked Tilapia in Salted Crust.
- Latest