^

PSN Showbiz

Gwen Zamora, paborito ng international producers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila paborito ng producers sa Indonesia ang GMA Ar­tist Center talent na si Gwen Zamora. Kagaganap lang niya bilang kontrabida sa katatapos na GMA Afternoon Prime drama na Innamorata, heto’t naging abala naman si Gwen para sa Indonesian superhero film na Valentine.

Tumulak pa sa Indonesia si Gwen para sa training ng kanyang fight scenes. Gagampanan niya ang papel ni Pink, ang sidekick ng kalaban ni Valentine. Bigay-todo ang dalaga sa pagpapamalas ng kanyang husay sa action-packed na ensayo.

May pagka-delikado man ang stunts, enjoy pa rin ang Kapuso star sa ginagawa. In fact, nagpost nga ang aktres sa kanyang Instagram account ng ilang patikim sa kanyang trai­ning.  Kahit nasaktan na, tuloy lang ang 22-year-old sa training.

“Perks of doing an action movie, you almost get to break your nose... Hahahaha #ouch #teamvalentine #skylarpictures,” sabi ni Gwen sa isang video post niya sa Instagram. Kalaunan, nakuha rin ni Gwen ang stunts at umani ng papuri sa kanyang followers at mga kaibigan.

Sa Setyembre raw mag-uumpisa ang shooting ng Valentine sa Jakarta, Indonesia.

Hindi na bago kay Gwen ang pagganap sa international films. Sumabak ang Kapuso star sa action-horror film na The Witness noong 2012, sa produksyon ng Skylar Pictures ng Indonesia at ini-release naman ng GMA Films.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

BIGAY

GAGAMPANAN

GWEN

GWEN ZAMORA

INSTAGRAM

KAPUSO

SA SETYEMBRE

SKYLAR PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with